Institute
Lesson 12 Materyal ng Titser: Tayo ay Kinakailangang Espirituwal na Isilang na Muli


“Lesson 12 Materyal ng Titser: Tayo ay Kinakailangang Espirituwal na Isilang na Muli,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon (2021)

“Lesson 12 Materyal ng Titser” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon

Lesson 12 Materyal ng Titser

Tayo ay Kinakailangang Espirituwal na Isilang na Muli

Sa ating nahulog na kalagayan, tayo ay hindi karapat-dapat na manahan sa kinaroroonan ng Diyos. Dahil kay Jesucristo at sa pamamagitan ng Kanyang nagbabayad-salang kapangyarihan, tayo ay maaaring espirituwal na isilang na muli bilang Kanyang mga pinagtipanang anak at maging karapat-dapat sa kahariang selestiyal. Sa lesson na ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pagkaunawa sa espirituwal na pagsilang na muli at maipaliwanag kung paano mababago ni Jesucristo ang ating mga puso. Matutukoy rin ng mga estudyante kung ano ang maaari nilang gawin upang mas maisabuhay ang doktrina ni Cristo nang sa gayon ay mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Tulungan ang mga estudyante na maging responsable sa sarili nilang pag-aaral. “Ang pag-aaral ay kailangang gawin ng [estudyante]. Samakatwid, ang [estudyante] ang kailangang kumilos” (Teaching the Gospel: A Handbook for CES Teachers and Leaders [1994], 14). Sinabi ni Sister Virginia H. Pearce, dating tagapayo sa Young Women General Presidency: “Ang isang mahusay na titser ay hindi nag-iisip ng ‘Ano ang gagawin ko sa klase ngayon?’ kundi sa halip ay nagtatanong ng ‘Ano ang gagawin ng aking mga estudyante sa klase ngayon?’; hindi ‘Ano ang ituturo ko ngayon?’ kundi sa halip ay ‘Paano ko matutulungan ang aking mga estudyante na matuklasan ang kinakailangan nilang malaman?’ [Teaching the Gospel: A Handbook for CES Teachers and Leaders, 13]” (“The Ordinary Classroom—a Powerful Place for Steady and Continued Growth,” Ensign, Nob. 1996, 12).

Ang mga tao ni Haring Benjamin ay nakaranas ng espirituwal na pagsilang na muli.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks: “Hindi … sapat na maniwala lang tayo sa ebanghelyo; kailangan nating kumilos at mag-isip upang tayo ay magbalik-loob sa pamamagitan nito” (“The Challenge to Become,” Ensign, Nob. 2000, 32).

Ipaalala sa mga estudyante na sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda nabasa nila ang tala tungkol sa espirituwal na pagsilang na muli ng mga tao ni Haring Benjamin. Kung kinakailangan, maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang Mosias 4:2–3 at Mosias 5:2–7, at alamin ang kaugnayan ng doktrina ni Cristo at ng pagbabalik-loob. Maaari mong itanong ang ilan sa o lahat ng sumusunod na tanong upang mapalalim ang pagkaunawa ng mga estudyante sa mga katotohanang natukoy nila.

  • Anong mga aspeto ng doktrina ni Cristo ang isinabuhay ng mga tao ni Haring Benjamin, at paano nito naimpluwensyahan ang kanilang espirituwal na pagsilang na muli? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kapag sinisikap nating isabuhay ang doktrina ni Cristo, babaguhin ng Tagapagligtas ang ating mga puso at tutulungan Niya tayong espirituwal na isilang na muli.)

  • Bakit mahalagang kilalanin ang papel na ginagampanan ng Tagapagligtas sa inyong espirituwal na pagsilang na muli at pagbabalik-loob?

  • Ano ang alam ninyo tungkol kay Jesucristo na nagbibigay-inspirasyon sa inyo na bumaling sa Kanya upang mabago ang inyong puso?

  • Paano nabago ni Jesucristo ang inyong puso? Ano ang nadarama ninyo para sa Kanya dahil tinulungan Niya kayo na magawa ang pagbabagong iyon? (Hikayatin ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan na hindi masyadong personal, o anyayahan sila na magsulat ng isang karanasan sa kanilang mga journal.)

  • Sa paanong mga paraan ginagawang posible ng bawat bahagi ng doktrina ni Cristo (pananampalataya, pagsisisi, binyag, kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggang wakas) na mabago ng Tagapagligtas ang inyong puso?

Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng isang pagbabago ng puso na nais nilang maranasan, at itanong:

Ibinaon ng mga Anti-Nephi-Lehi ang kanilang mga sandata.

Ipaliwanag na kahit nakaranas na ng pagbabago ng puso ang isang tao, maaaring unti-unting maglaho ang kanyang katapatan. Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Dale G. Renlund:

Elder Dale G. Renlund

Lahat tayo ay may kilalang mga tao na malaki ang pagbabago ng puso ngunit kalaunan ay bumigay sa likas na tao. Naging pabaya sila sa kanilang pagsamba at katapatan sa Diyos, tumigas ang kanilang puso, at sa gayo’y namiligro ang kanilang walang hanggang kaligtasan. (“Pagpepreserba ng Malaking Pagbabago ng Puso,” Liahona, Nob. 2009, 98)

  • Bakit maaaring maging kaswal sa kanyang pagsamba at katapatan sa Diyos ang isang taong nakaranas na ng malaking pagbabago ng puso?

Upang maihambing ang mga indibiduwal na inilarawan ni Elder Renlund, maaari mong ipakita ang sumusunod na larawan. Anyayahan ang mga estudyante na ipaliwanag ang kuwento ng mga Anti-Nephi-Lehi at ilarawan ang dahilan kung bakit ibinaon ng mga Anti-Nephi-Lehi ang kanilang mga sandata ng digmaan.

Ang Nagpapadalisay na Landas ng Pagsunod, Pagsasakripisyo, at Paglalaan, ni Dan Burr

Habang nagbabahagi ang mga estudyante ng alam nila tungkol sa mga Anti-Nephi-Lehi, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na scripture passage upang matulungan ang mga estudyante na matukoy ang lalim ng pagbabago at pagbabalik-loob ng mga tao kay Jesucristo: Alma 23:6–7; Alma 24:9–11, 15; at Alma 27:27.

  • Ano ang nagpatatag sa mga Anti-Nephi-Lehi upang hindi sila maging kaswal sa kanilang pagsamba at katapatan sa Diyos?

  • Anong mga aral mula sa mga talatang ito ang makatutulong sa inyo na mas pagbutihin ang inyong mga pagsisikap na maging “matatag sa pananampalataya kay Cristo, maging hanggang sa katapusan” (Alma 27:27)?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung anong mga sandata ng paghihimagsik ang humahadlang sa kanila na personal na maranasan ang malaking pagbabago ng puso.

Upang matulungan ang mga estudyante na maisabuhay ang mga natutuhan nila sa lesson at unit na ito, hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo at magtalaga ng isang discussion leader o lider ng talakayan para sa bawat grupo. Ibigay ang sumusunod na handout sa bawat grupo, at tiyakin na may sapat na oras ang mga estudyante upang magkaroon ng makabuluhang talakayan. Kung may oras pa, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa klase kung ano ang natalakay nila.

Talakayan ng Maliit na Grupo tungkol sa Espirituwal na Pagsilang na Muli

Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon—Lesson 12

Paalala sa discussion leader o lider ng talakayan Mangyaring pangunahan ang talakayan tungkol sa sumusunod na sitwasyon kasama ang mga miyembro ng inyong grupo. Hikayatin ang lahat ng miyembro ng inyong grupo na makibahagi. Gayunpaman, walang sinuman ang dapat mapilitang magbahagi ng kanilang mga ideya.

Gustung-gusto ni Pablo ang kanyang paglilingkod bilang missionary at nadama niyang tumimo ang ebanghelyo sa kaibuturan ng kanyang puso. Umuwi siya mula sa kanyang misyon na puno ng kagalakan at malaki ang inaasahan para sa kanyang hinaharap. Ilang linggo matapos ang kanyang pag-uwi, nagsimula siyang makadama ng kalituhan at ng pakiramdam na tila hindi na siya kailangan. Madalas siyang malungkot. Sa pagsisikap na madaig ang mga nadaramang ito, nakibahagi siya sa maraming iba’t ibang aktibidad at proyekto. Unti-unti niyang nakaligtaan ang kanyang personal na pananalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Naging madalang ang kanyang pagsisimba, at kamakailan ay natukso siyang bumalik sa ilang masasamang gawi niya noon bago siya nagmisyon.

Mga Tanong sa Talakayan:

  • Ano kayang mga katotohanan tungkol sa espirituwal na pagsilang na muli at pagbabago ng puso ang pinakanauugnay sa sitwasyon ni Pablo?

  • Kung kaibigan ninyo si Pablo, ano ang ibabahagi ninyo sa kanya tungkol kay Jesucristo na maaaring makatulong sa kanya na muling pagningasin ang pagbabago ng kanyang puso?

  • Anong mga aral ang maaaring matutuhan ni Pablo mula sa mga Anti-Nephi-Lehi?

Talakayan ng Maliit na Grupo tungkol sa Espirituwal na Pagsilang na Muli

handout ng titser

Maaari mong bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante upang ibahagi kung ano ang natutuhan nila sa talakayan ng kanilang grupo. Maaari mo rin silang bigyan ng oras upang pagnilayan kung ano ang nahikayat silang gawin dahil sa natutuhan at nadama nila ngayon. Maaari mo silang anyayahan na ibahagi kung paano lumawak ang kanilang pagkaunawa at patotoo sa doktrina ni Cristo habang pinag-aaralan nila ang unit na ito.

Para sa Susunod

Habang naghahanda kang tapusin ang klase, maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson: “Nais naming kausapin kayo tungkol sa pinakamalaking hamon, … pinakamagiting na layunin, at … pinakadakilang gawain sa mundo. At inaanyayahan namin kayo na maging bahagi nito!” (Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel,” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], suplemento sa New Era at Liahona, 3, HopeofIsrael.ChurchofJesusChrist.org). Sa pag-aaral ng mga estudyante ng materyal sa paghahanda para sa susunod na klase, hikayatin silang pag-isipan ang kanilang papel sa dakilang layuning ito: ang pagtitipon ng Israel.