2010
Mga Bagong Kaibigan, mga Dati Nang Kaibigan
Agosto 2010


Para sa Maliliit na Bata

Mga Bagong Kaibigan, mga Dati Nang Kaibigan

“Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon” (Mga Kawikaan 17:17).

  1. Umaga iyon ng Linggo, at kinakabahan si Lissa. Nabago ang mga hangganang sakop ng ward niya. Ibig sabihin iba na ang dadaluhan niyang ward ngayon. Nakita nina Itay at Inay na nag-aalala si Lissa.

    Ano’ng problema?

    Wala po akong kakilala sa bagong ward. Bakit kailangan pa po nilang palitan ang dati nating ward?

    Ang totoo maganda iyan. Lumalago ang Simbahan. Ibig sabihin dumarami ang tumatanggap sa ebanghelyo.

  2. Makikita ko po ba uli ang mga kaibigan ko sa dating ward?

    Sisiguraduhin naming makikita mo sila. Puwede mo silang imbitahin sa bahay natin sa kaarawan mo.

  3. Sa simbahan, pumasok si Lissa sa silid ng Primary. Nakita niya ang ilan sa mga kaibigan niya sa dating ward, pero marami ring bagong mukha roon. Sa oras ng klase, naglaro si Lissa at ang iba pang mga bata ng larong tutulong sa kanila na malaman ang pangalan ng isa’t isa. Mukhang mababait naman ang bagong grupo ng mga bata.

  4. Pagkatapos ng klase nadatnan ni Lissa sa pasilyo ang kanyang mga magulang at nakababatang kapatid na naghihintay sa kanya.

    Inay, puwede ko rin po bang imbitahin ang mga bago kong kakilala sa kaarawan ko?

    Magandang ideya iyan.

  5. Nang linggong iyon gumawa si Lissa at nanay niya ng mga imbitasyon para sa mga bata sa dati nilang ward at sa bago nilang ward.

  6. Sa kaarawan ni Lissa, dumating lahat ang mga bata. Nilaro nila ang larong ginawa nila sa Primary para malaman ng lahat ang pangalan ng isa’t isa.

  7. Nasiyahan ka ba?

    Opo! Ngayon mayroon na akong mga dating kaibigan at mga bagong kaibigan!