Mga Bata
Gawing Mas Maganda ang Mundo
Sinabi ni Pangulong Uchtdorf na kapag naitayo ang isang templo, pinalalakas nito ang kapangyarihan ng Diyos sa lupa at mas pinagaganda nito ang mundo. Kulayan ang larawan sa ibaba. Ang mga pundasyong bato sa ilalim ng templo ay naglalarawan ng ilan sa magagandang pagpapala na dulot ng templo sa mga tao. Kapag namuhay kayo nang karapat-dapat para makapasok sa templo balang-araw, ang bawat isa sa mga pagpapalang ito ay mapapasainyo!
Kaliwa: mga paglalarawan nina Scott Greer at Beth M. Whittaker
Isang lugar ng pagmamahal at kagandahan
Binyag para sa mga taong hindi nabinyagan noong sila ay nabubuhay pa
Isang kasal na magtatagal magpakailanman
Ang mga anak ay nabubuklod sa mga magulang magpakailanman
Isang lugar na matututuhan ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo
Isang buhay na karapat-dapat at masunurin