Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary
Ang Kalayaan ay Kaloob na Pumili para sa Ating Sarili
Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito upang marami pang matutuhan tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
“Maligayang kaarawan, Juliana!” sabi ni Itay. Inabutan niya si Juliana ng isang kahong nakabalot sa makintab na papel at nakatali ng laso.
Ngumiti si Juliana. Sabik siyang tumanggap ng regalo mula sa kanyang ama at hindi na makapaghintay na mabuksan ang kahon.
Nasasabik ba kayong gaya ni Juliana kapag nakakatanggap kayo ng regalo? Binigyan ng Ama sa Langit ng mahalagang regalo ang bawat isa sa atin. Ito ay tinatawag na kalayaan. Ang kalayaan ay kakayahang magpasiya para sa ating sarili.
Bago tayo pumarito sa lupa, ayaw ni Satanas na magkaroon ng layang magpasiya ang sinuman. Nais niya tayong piliting pumarito sa lupa at gawin ang gusto niyang ipagawa sa atin. Ngunit alam ng Ama sa Langit na mahalagang magpasiya tayo para sa ating sarili. Sa bawat tamang pasiyang ginagawa natin, higit tayong napapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Gusto Nila tayong gumawa ng mga tamang pasiya para makapiling natin Silang muli.
Ngayong taon sa Primary matututuhan natin kung paano gamitin ang ating kalayaan sa PAT—piliin ang tama!