2012
Pakikipagkaibigan sa Ibayong Dagat ng Pasipiko
Enero 2012


Pakikipagkaibigan sa Ibayong Dagat ng Pasipiko

Nang naghahandang magpunta sa Tonga ang ilang nursing student mula sa Brigham Young University, naisip nila na masaya kung magiging magkakaibigan ang mga bata mula sa Utah at Tonga.

Kaya’t hiniling ng mga estudyante sa mga bata sa Primary sa Oak Hills Ninth Ward sa Provo, Utah, na magdrowing ng mga larawan para sa mga bata sa Tonga. Kinunan din nila ng retrato ang mga bata.

Pagdating nila sa Tonga, tumulong ang mga nursing student sa oras ng pagbabahagi sa Neiafu Third Ward. Binigyan nila ang bawat bata ng isang drowing at larawan mula sa isang bata sa Utah. Natuwa ang mga bata na malaman ang tungkol sa kanilang mga bagong kaibigan sa Utah.

Nagdrowing sila ng mga larawan para sa mga bata sa Utah. Sumulat ang ilan sa kanila tungkol sa kanilang sarili at sa buhay sa Tonga. Ang ilang mensahe ay isinulat sa Ingles at ang iba ay sa Tongan. Isinalin ng kanilang Primary president sa Ingles ang mga mensaheng nasa wikang Tongan. Kinunan ng retrato ng mga nursing student ang mga bata.

Isang batang lalaki ang sumulat, “Naglalaro ako ng rugby, at napakainit dito sa Tonga.” Isinulat ng isang batang babae, “Gusto ko ang retrato mo. Napakaganda mo. Mahilig akong kumanta, kagaya mo.” Sumulat naman ang isa pang bata tungkol sa Primary at nagpahayag ng pagmamahal: “Ang lesson namin ngayon ay tungkol sa mga propeta. Mahal na mahal kita!”

Mga larawan sa kagandahang-loob ni Jane Hansen Lassetter