2012
Ang Aklat ni Mormon ay Nagtuturo Tungkol kay Jesucristo
Enero 2012


Mga Kuwento Tungkol kay Jesus

Ang Aklat ni Mormon ay Nagtuturo Tungkol kay Jesucristo

Ang Lumang Tipan ay nagkukuwento sa atin ng tungkol kay Jesucristo bago Siya namuhay sa mundo. Tinawag Siyang Jehova. Ang Lumang Tipan ay nagkukuwento tungkol sa mga taong sumunod kay Jehova.

Ang Bagong Tipan ay aklat ng banal na kasulatan na nagkukuwento sa atin tungkol sa buhay ni Jesus sa lupa. Isinulat ng Kanyang mga disipulo ang tungkol sa Kanyang buhay at mga turo.

Ang Aklat ni Mormon ay nagtuturo din tungkol kay Jesucristo at sa mga taong sumunod sa Kanya.

Ang Aklat ni Mormon ay nagsimula sa Jerusalem noong panahon ng Lumang Tipan, mga 600 taon bago isinilang si Jesus. Ikinukuwento nito kung paano nilisan ni Lehi at ng kanyang pamilya ang Jerusalem at inakay sila patungo sa isang lupang pangako, sa ibayong dagat sa lupain ng Amerika.

Itinuro ng mga propeta sa Aklat ni Mormon na si Jesus ay paparito sa mundo. Itinuro din nila na ang pagsisisi at pagsunod kay Jesucristo ay magdudulot ng kaligayahan.

Matapos ipako sa krus si Jesus at mabuhay na mag-uli sa Jerusalem, dinalaw Niya ang lupain ng Amerika upang turuan ang mga tao. Nagturo Siya tungkol sa binyag, sakramento, at kung paano mahalin ang kapwa. Itinatag Niya ang isang simbahan na may labindalawang Apostol. Tinipon Niya ang mga bata at binasbasan sila, tulad ng ginawa Niya noon sa Bagong Tipan.

Tulad ng mga propeta sa Biblia, ibinahagi ng mga propeta sa Aklat ni Mormon ang kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo.

Ang huling propeta sa Aklat ni Mormon ay si Moroni, na nabuhay noong mga 400 taon matapos dalawin ni Jesus ang lupain ng Amerika. Bago siya pumanaw, isinulat ni Moroni na malalaman ng sinumang babasa ng Aklat ni Mormon na totoo ito kung siya ay magdarasal nang may pananampalataya. Inanyayahan ni Moroni ang lahat na “lumapit kay Cristo” (Moroni 10:32).

Ang mga bata ngayon ay maaari ding manalangin para makatanggap ng patunay na ang Aklat ni Mormon ay totoo at na si Jesucristo ang kanilang Tagapagligtas.

Nakita ng kapatid ni Jared si Jesucristo.

Nangusap ang tinig ng Panginoon sa isipan ni Enos nang siya ay manalangin.

Nakita ni Lehi si Jesucristo sa isang panaginip o pangitain.

Tinuruan ni Haring Benjamin ang mga tao tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesus.

Kaliwa: mga paglalarawan ni Robert T. Barrett; kanan: mga paglalarawan nina Paul Mann at Gary Kapp