Ipinahayag ang Tema ng Mutwal sa Taong 2012: “Bumangon at Magliwanag”
Ang Tema ng Mutwal para sa 2012 ay “Bumangon at magliwanag, nang ang inyong liwanag ay maging isang sagisag sa mga bansa” (D at T 115:5).
Ang banal na kasulatang ito, na bahagi ng paghahayag kay Propetang Joseph Smith sa Far West, Missouri, USA, noong 1838, ay ibinigay sa mga nangungulong opisyal ng Simbahan noon, ngunit bilang tema ng Mutual angkop din ito sa mga kabataang edad 12 hanggang 18 sa buong Simbahan.
Ang tema ay maaaring gamitin upang mapagyaman ang mga opening exercise sa Mutual, bilang paksa para sa mga mensaheng ibibigay ng mga kabataan sa sacrament meeting, at bilang tuon sa mga aktibidad ng mga kabataan tulad ng camp, kumperensya ng mga kabataan, at debosyonal. Maaari din ito gamiting tuon ng mga espesyal na kulturang pagtatanghal at iba pang sayaw, musika, at dula-dulaan.
Iminumungkahi ng mga pinuno ng Simbahan na ipabatid ng mga lokal na lider ng mga kabataan ang tema gamit ang DVD na, Strength of Youth Media 2012: Arise and Shine Forth, na ipadadala sa mga yunit sa Nobyembre 2011.
Ang DVD na ito ay maidaragdag sa mga pulong ng korum, klase, kumperensya ng mga kabataan, at iba pang mga aktibidad ng mga kabataan sa buong taon at makukuha sa wikang Cantonese, English, French, German, Italian, Japanese, Korean, Mandarin, Portuguese, Russian, at Spanish.
Ang mga karagdagang suportang materyal ay makukuha sa mga magasing Liahona at New Era at sa LDS.org sa pagsisimula ng 2012.