Ano ang palagay o pananaw ng Simbahan tungkol sa homoseksuwalidad? OK lang bang makipagkaibigan sa mga taong may damdaminghomoseksuwal?
Hindi sang-ayon ang Simbahan sa homoseksuwal na pag-uugali, at inuunawa at iginagalang natin ang mga taong naaakit sa kapwa lalaki o kapwa babae.
Kung may kakilala kayo na naaakit sa kapwa nila lalaki o babae, sundin ang gayon ding mga alituntuning ginagawa ninyo sa iba ninyong mga pakikipagkaibigan: “Piliing mabuti ang inyong mga kaibigan. Malaki ang magiging impluwensya nila sa inyong pag-iisip at pagkilos, at maging sa kahihinatnan ng inyong pagkatao. Pumili ng mga kaibigang kapareho ninyo ang mga pinahahalagahan upang mapalakas at mahikayat ninyo ang isa’t isa na ipamuhay ang mataas na pamantayan. Ang tunay na kaibigan ay hihikayatin kayong magpakahusay. … Pakitunguhan ang lahat nang may kabaitan at paggalang” (Para sa Lakas ng mga Kabataan [buklet, 2002], 12).
Itinuturo ng Simbahan na ang kasarian ng tao ay may layunin sa plano ng Ama sa Langit. Para maging masaya tayo at maisakatuparan natin ang layuning iyon, inutusan tayong ipamuhay ang batas ng kalinisang-puri. Ang homoseksuwal na pag-uugali ay salungat sa layuning iyon at labag sa mga utos ng Diyos.
Gayunman, kung naaakit ang isang tao sa kapwa niya lalaki o babae at hindi siya nagpatangay sa damdaming iyon, hindi siya nagkasala. Isa lang ang pamantayan ng Simbahan sa moralidad para sa lahat, kahit kanino pa naaakit ang isang tao. Hindi kukunsintihin ng Panginoon o ng Kanyang Simbahan ang anumang asal na labag sa Kanyang mga batas. Muli, kinasusuklaman natin ang imoral na pag-uugali, hindi ang tao.