Notebook ng Kumperensya ng Oktubre
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38).
Habang nirerepaso ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng 2011, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa darating na mga isyu) upang tulungan kayong pag-aralan at iangkop ang mga turo ng mga buhay na propeta at apostol kamakailan.
Pangako ng Isang Propeta
“Walang araw na lumipas na hindi ako nakikipag-ugnayan sa aking Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin. Isang ugnayan ito na aking itinatangi—talagang hindi ko alam ang gagawin kung wala ito. Kung sa ngayon ay hindi gayon ang inyong kaugnayan sa inyong Ama sa Langit, hinihimok ko kayo na mithiin ninyong makipag-ugnayan sa Kanya. Kapag ginawa ninyo ito, matatanggap ninyo ang Kanyang inspirasyon at patnubay sa inyong buhay—na kailangan ng bawat isa sa atin kung gusto nating maligtas sa espirituwal sa buhay natin dito sa lupa. Ang gayong inspirasyon at patnubay ay mga kaloob na malaya Niyang ibinibigay kung hahangarin lang natin ito.”
Pangulong Thomas S. Monson, “Tumayo sa mga Banal na Lugar,” Liahona, Nob. 2011, 84.
Humayo at Gawin
Itinuro ni Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol na para mag-ibayo ang pag-unawa sa Simbahan, dapat tayong:
-
“Maging matapang sa ating mga pahayag tungkol kay Jesucristo. Nais nating malaman ng iba na naniniwala tayo na Siya ang pinakamahalaga sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.”
-
“Maging mabuting halimbawa sa iba. … Ang ating buhay ay dapat maging halimbawa ng kabutihan at kabanalan habang sinisikap nating tularan ang Kanyang halimbawa sa mundo.”
-
“Ipagtanggol ang Simbahan. Sa araw-araw nating buhay, binibiyayaan tayo ng maraming pagkakataong ibahagi sa iba ang ating paniniwala.”
Mula sa “Ang Sakdal na Pag-ibig ay Nagpapalayas ng Takot,” Liahona, Nob. 2011, 42–43.
Punan ang Puwang
-
“Ang mapanalanging pag-aaral ng ay magpapatatag ng pananampalataya sa Diyos Ama, sa Kanyang Pinakamamahal na Anak, at sa Kanyang ebanghelyo. Patatatagin nito ang inyong pananampalataya sa mga propeta ng Diyos, noon at ngayon. Mas ilalapit kayo nito sa Diyos kaysa anupamang ibang aklat. Patitinuin nito ang buhay.” (Henry B. Eyring, “Isang Saksi,” Liahona, Nob. 2011, 70.)
-
“Ang ay nagiging kaibigang palaging nariyan, na hindi nanghihina sa paglipas ng panahon.” (Richard G. Scott, “Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2011, 6.)
-
“Para sa mga nag-aakalang hindi makatarungan ang kanilang mga pagsubok, saklaw ng ang lahat ng kawalang-katarungan sa buhay.” (Quentin L. Cook, “Mga Tahimik Nilang Himig,” Liahona, Nob. 2011, 106.)
-
“Kapag tayo ay may , tayo ay handang maglingkod at tumulong sa iba kahit hindi madali para sa atin at hindi naghihintay ng pagkilala o kapalit.” (Silvia H. Allred, “Ang Pag-ibig sa Kapwa-Tao Kailanman ay Hindi Nagkukulang,” Liahona, Nob. 2011, 115.)