2012
Paano ko makakamtan ang aking mga mithiin?
Enero 2012


Natatanging Saksi

Paano ko makakamtan ang aking mga mithiin?

Mula sa “Do Things That Make a Difference,” Ensign, Hunyo 1983, 69, 71, 72.

Larawan
Elder M. Russell Ballard

Nagbahagi si Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ng ilang ideya tungkol sa paksang ito.

Dapat ninyong hangaring magkaroon ng kakayahang magtakda ng karapat-dapat at makatotohanang mga mithiin.

Kung matwid ang inyong mga mithiin, sikaping makamit ang mga ito.

Kapag nagtakda kayo ng mithiin at nangakong disiplinahin ang inyong sarili para marating ang mithiing iyon, mawawala ang karamihan sa mga problema ninyo sa buhay. Gamitin ang inyong lakas sa paggawa ng mga bagay na magdudulot ng kaibhan.

Kailangan nating manampalataya. Kailangan nating manampalataya sa Diyos. Kailangan nating manampalataya sa Panginoong Jesucristo. At, ah, kailangang-kailangan nating magtiwala sa ating sarili.

Kanan: paglalarawan ni Dilleen Marsh

Print