Maiikling Balita sa Buong Mundo
Inilaan ang San Salvador Temple
Inilaan ang San Salvador El Salvador Temple noong Linggo, Agosto 21, 2011, ni Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan. Ito ang ikaapat na templo ng Simbahan sa Central America at ang ika-135 sa buong mundo.
Dumalo ang mga 16,000 katao sa dalawang kultural na pagdiriwang noong Sabado, Agosto 20, na muling naglalahad ng mayamang kasaysayan ng lugar sa pamamagitan ng awit at sayaw.
Inaanyayahan ng Create.LDS.org ang mga Miyembro na Mag-ambag ng mga Audio File
Inaanyayahan ng Simbahan ang mga miyembro na magsumite ng high-quality music at iba pang mga audio file sa create.lds.org para magamit sa Mormon Channel Radio at sa iba pang mga media na gawa ng Simbahan. Mababasa ng mga miyembro ang detalyadong paanyaya sa news.lds.org (magsaliksik gamit ang keyword na “create.lds.org”) at makapagsusumite sa create.lds.org.
Makukuha Online ang 2012 Oras ng Pagbabahagi
Ibinalita ng Primary general presidency na ang tema sa oras ng pagbabahagi para sa 2012 ay “Piliin ang Tama.” Maa-access ng mga primary presidency ang outline sa ilalim ng “Primary” sa bahaging Serving in the Church ng LDS.org.
Dati-rati ay tig-10 kopya ng outline ang ipinamamahagi sa mga yunit tuwing Hulyo, pero dahil sa makukuha na ito online ihihinto ang pagpapadala sa Hulyo at tig-3 kopya na lang ang ipadadala sa bawat yunit sa taunang pag-oorder ng materyal para sa kurikulum.