Maging Matapat
Noong ako ay nasa edad na 20s, kinailangan kong kumuha ng napakahirap na eksamen para makapasok sa kilalang business school sa France. Maraming oras ang ginugugol ko sa pag-aaral araw-araw sa loob ng dalawang taon. Pero lagi akong nagsisimba at dumadalo sa institute at ginagampanan ang mga tungkulin ko sa Simbahan.
Pinakamahirap na bahagi ng eksamen ang interbyu. Nainterbyu na akong minsan sa isang eskwelahan, at nang nalaman nila na miyembro ako ng Simbahan, hindi ako tinanggap.
Pagkatapos ay kumuha ako ng eksamen sa eskwelahang pinakagusto kong pasukan. Sa gitna ng interbyu, tinanong sa akin kung ano ang ginagawa ko kapag hindi ako nag-aaral. Alam ko na ang tanong na iyon ang magpapasiya kung tatanggapin ako o hindi. Pero nagpasiya ako kaagad na maging tapat sa aking mga prinsipyo.
Sabi ko, “Miyembro ako ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw,” at pagkatapos ay 15 minuto kong ipinaliwanag ang ginagawa ko sa Simbahan.
Sabi ng direktor ng eskwelahan, “Alam mo, natutuwa ako at sinabi mo ito. Noong estudyante pa ako, nag-aral ako sa Estados Unidos, at ang isa sa matatalik kong kaibigan ay Mormon. Napakahusay niya at napakabait. Para sa akin napakabubuting tao ng mga Mormon.”
Nakahinga ako nang maluwag! Isa ako sa mga unang tinanggap ng eskwelahang ito noong taong iyon.
May dalawang aral sa kuwentong ito. Una, hindi natin dapat maliitin ang impluwensyang magagawa natin sa iba. Pangalawa, dapat ay lagi tayong tapat sa ating mga prinsipyo. Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya, at tutulungan kayo ng Panginoon sa iba pa.