2012
Ang Tamang Damit
Enero 2012


Ang Tamang Damit

“Ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya” (I Kay Timoteo 4:12).

  1. Isinama ni Inay si Anna para bumili ng bagong damit.

    Ito kaya?

    Hindi po, salamat na lang po.

  2. Sige, gusto mo ba iyong dilaw na bulaklakin o iyong pulang batik-batik?

    Pero gusto mo ang mga kulay na ito. Ano pala ang gusto mo?

  3. Gusto ko po ang isa sa mga damit na ito para magmukha akong misyonera.

    OK. Tingnan natin kung may damit na kasukat mo.

  4. Mahal ni Anna ang dalawang misyonera sa kanyang ward. Kinamayan nila siya sa simbahan, ngumiti sila nang kawayan niya sila sa kalsada, at nanalangin sila kasama ang kanyang pamilya nang maghapunan sila doon.

  5. Pagsapit ng Linggo, halos hindi makapaghintay si Anna na ipakita sa mga misyonera ang bago niyang damit. Nang makita niya sila sa simbahan, umikut-ikot siya sa harap nila.

    Kamukha ko na kayo ngayon!

  6. Kamukha ka nga namin.

    At hindi ka lang mukhang misyonera; ikaw ay isang misyonera!

  7. Sabi sa akin ng nanay mo ipinagdasal mo kami buong linggo gaya ng pakiusap namin sa iyo. At tingnan mo! May isinama kami sa simbahan ngayon. Natutulungan kami ng iyong mga dalangin.

    Salamat, misyonera Anna.

Mga paglalarawan ni Jake Parker