Mga Kabataan
Mahikayat na Basahin ang mga Banal na Kasulatan
Kailangan nating ipagdasal na mahikayat tayong basahin ang mga banal na kasulatan at magabayan din ng Espiritu Santo. Kailangan nating malugod sa mga banal na kasulatan, ibig sabihin, masiyahan sa salita ng Diyos at damhin ang pagmamahal na ibinibigay Niya sa atin sa pamamagitan ng mensaheng laan nito. Hindi lang natin basta tinitingnan ang mga salita ng mga banal na kasulatan, kundi dapat nating matutuhang mahalin ang kagila-gilalas na ebanghelyong ito.
Sa tuwing sasaliksikin ninyo ang mga banal na kasulatan, nadaragdagan ang inyong natututuhan, at sa pamamagitan ng mga ito malalaman ninyo ang kalooban ng ating Ama sa Langit. Madalas Niyang sinasagot ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng mga pamantayang aklat ng Simbahan. Kapag panatag tayo at nakapag-iisip ng magagandang bagay, malalaman natin na nagmumula ang mga ito sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo (tingnan sa D at T 8:1–3).