Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Ang Aking Saligan: Magkaroon ng Balanseng Buhay


“5: Ang Aking Saligan: Magkaroon ng Balanseng Buhay,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“5: Ang Aking Saligan: Magkaroon ng Balanseng Buhay,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Ang Aking Saligan: Magkaroon ng Balanseng Buhay—Maximum na Oras: 20 Minuto

Isipin:

Paano ko mapapanatiling balanse ang mga kailangan kong gawin sa buhay araw-araw?

Panoorin:

Of Regrets and Resolutions,” mapaanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos [1:25]. (Walang video? Basahin ang teksto para sa “Mga Panghihinayang at Pagpapasiya.”)

1:32

Mga Panghihinayang at Pagpapasiya

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

Hindi ba’t totoong madalas ay masyado tayong abala? At, nakalulungkot na itinuturing pa nating kapuri-puri ang pagiging abala natin, na para bang ito ay tanda ng tagumpay o mas maunlad na buhay.

Hindi ba?

Iniisip ko ang ating Panginoon at Perpektong Halimbawa, na si Jesucristo, at ang maikli Niyang buhay kasama ang mamamayan ng Galilea at Jerusalem. Pinilit kong isipin na nagmamadali Siya sa pagdalo sa mga pulong o pinagsasabay-sabay ang maraming gawaing dapat tapusin.

Hindi ganoon ang nakikita ko.

Sa halip, ang nakikita ko ay ang mahabagin at mapagmalasakit na Anak ng Diyos na ipinamumuhay ang bawat araw nang may layunin. Nang kinausap Niya ang mga taong nakapalibot sa Kanya, nadama nilang mahalaga at minamahal sila. Alam Niya ang walang hanggang kahalagahan ng mga taong Kanyang nakilala. Sila’y Kanyang binasbasan at pinaglingkuran. Sila’y Kanyang pinasigla at pinagaling. Pinag-ukulan Niya sila ng Kanyang panahon.

(“Mga Panghihinayang at Pagpapasiya,” Liahona, Nob. 2012, 22)

Talakayin:

Ano ang matututuhan natin mula sa buhay ng Tagapagligtas na makatutulong sa atin na magkaroon ng balanseng buhay?

Basahin:

Ang mga sumusunod na scripture passage at pahayag ng mga lider ng Simbahan:

“Tiyakin na ang lahat ng bagay na ito ay gagawin sa karunungan at kaayusan; sapagkat hindi kinakailangan na ang tao ay tumakbo nang higit na mabilis kaysa sa kanyang lakas” (Mosias 4:27).

“Huwag kang matakot, sapagkat ako’y kasama mo, huwag kang mabalisa, sapagkat ako’y Diyos mo; aking palalakasin ka, oo, ikaw ay aking tutulungan” (Isaias 41:10).

“Basta gawin ninyo ang lahat ng magagawa ninyo sa bawat araw. Gawin ang mahahalagang bagay at, bago pa ninyo mamalayan, ang inyong buhay ay mapupuno ng espirituwal na pang-unawa na magpapatunay sa inyo na mahal kayo ng inyong Ama sa Langit. Kapag alam ito ng tao, ang buhay ay magkakaroon ng tunay na layunin at kabuluhan, kaya’t mas madali itong mapananatiling balanse” (M. Russell Ballard, “Panatilihing Balanse ang Inyong Buhay,” Liahona, Set. 2012, 50).

“Ang pagbalanse higit sa lahat ay pag-alam sa mga bagay na maaaring baguhin, ilagay ang mga ito sa wastong pananaw, at pagkilala sa mga bagay na hindi magbabago” (James E. Faust, “The Need for Balance in Our Lives,” Ensign, Mar. 2000, 5).

Talakayin:

Anong mga bagay ang maaaring simplehan o alisin sa ating buhay para lalo tayong makadama ng kagalakan?

Mangakong Gawin:

Gagawin ko ang aking mga ideya para maging mas balanse ang buhay ko.