2010
Isang Aral Tungkol sa Pagpipitagan
Marso 2010


Isang Aral Tungkol sa Pagpipitagan

Mula sa “Primary Days,” Ensign, Abr. 1994, 65–68.

President Thomas S. Monson

Bata pa lang ako noong panahon ng Great Depression. Naaalala ko na nakasuot ng mga galosh ang mga bata dahil wala silang sapatos at nagugutom sila dahil walang makain. Taghirap noon.

Nagningning ang pag-asa sa kabila ng kahirapan dahil sa Primary. Ako ay 10 taong gulang noon. Magaling ang titser ko. Itinuturing kong pinakamaganda ang taon kong iyon sa Primary, at masasabi ko na iyon ay dahil sa magaling kong titser. Hindi iyon dahil ang mga batang lalaki sa klase ay matitino o pambihira ang kabaitan; kabaligtaran pa nga.

Ang tawanan ng mga batang lalaki at daldalan ng mga batang babae kung minsan ay nakakataranta sa mga lider namin sa Primary.

Isang araw nang lisanin namin ang kapilya para magpunta sa klase namin, napansin kong nagpaiwan ang Primary president namin. Huminto ako at pinagmasdan siya. Mag-isa siyang nakaupo sa harapang upuan, inilabas ang kanyang panyo, at nagsimulang umiyak. Nilapitan ko siya at sinabing, “Sister Georgell, huwag po kayong umiyak.”

Sabi niya, “Nalulungkot ako.”

Sagot ko, “Bakit po?”

Sabi niya, “Hindi ko makontrol ang Trail Builders.* Tutulungan mo ba ako?”

Siyempre sumagot ako ng, “Opo.”

Sabi niya, “Ay, mabuti naman, Tommy, kung tutulong ka.”

Ang hindi ko alam noon ay isa pala ako sa mga dahilan ng pag-iyak niya. Mabisa ang pagbilang niya sa akin sa tutulong para magkaroon ng pitagan sa aming Primary. At ginawa nga namin iyon.

Simula

Mga paglalarawan ni Dilleen Marsh; Imahe ni Cristo, ni Heinrich Hofmann, sa kagandahang-loob ng C. Harrison Conroy Co.