Ano ang kaibhan ng pag-aayuno sa hindi pagkain?
Magugutom lang kayo sa hindi pagkain. Ang pag-aayuno, na ginawa nang may partikular na layunin at sinamahan ng panalangin, ay maglalapit sa inyo sa Diyos at kayo ay pagpapalain at magkakaroon ng espirituwal na lakas (tingnan sa Isaias 58:6–11).
Hindi katulad ng hindi pagkain, kapag nag-aayuno tayo, pinipili nating gawin iyon para sa isang partikular at espirituwal na layunin. Makapag-aayuno kayo para matulungan ng Panginoon na maunawaan ang mga alituntunin ng ebanghelyo o maharap ang mga personal na desisyon at karanasan. Makapag-aayuno rin kayo para humiling ng mga pagpapala para sa iba, tulad ng kanilang kalusugan o na tanggapin sana nila ang ebanghelyo (tingnan sa Alma 6:6). Makapag-aayuno pa nga kayo para magpasalamat sa ating Ama sa Langit.
Ang panalangin ang isa pang elemento kung kaya kaiba ang pag-aayuno sa hindi pagkain. Ang ayuno ay dapat simulan at tapusin sa taimtim na panalangin, at sa buong ayuno mapagmumuni-muni at maipagdarasal mo ang ipinag-aayuno mo. Itinutuon nito ang inyong pansin sa layunin ng inyong pag-aayuno sa halip na sa gutom na mararamdaman ninyo. “Tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya’y magsasabi, Narito ako” (Isaias 58:9).