Tampok na mga Kaganapan sa Simbahan at sa Mundo
1830–39 | |
Mga Kaganapan sa Simbahan |
Inilathala ang Aklat ni Mormon (kaliwa). Inorganisa ang Simbahan. Inilaan ang Kirtland Temple (ibaba). Inorganisa ang unang misyon, ang British Mission. Inilathala ang mga unang paghahayag sa A Book of Commandments (ibabang kaliwa), kalaunan sa Doktrina at mga Tipan. |
Bilang ng mga Miyembro sa Simbahan Bilang ng mga Stake (katapusan ng dekada) |
16,460 3 |
1830–39 | |
Mga Kaganapan sa Mundo |
Rebolusyon sa France. Nagsimula ang Unang Opium War sa pagitan ng Britain at China. |
1840–49 |
1850–59 |
1860–69 | |
Mga Kaganapan sa Simbahan |
Unang paglalathala ng mga saligan ng pananampalataya. Inorganisa ang Relief Society (kaliwa). Pinaslang si Joseph Smith. Nagpunta sa kanluran ang mga Banal. Sinang-ayunan si Brigham Young bilang Pangulo ng Simbahan. Inorganisa ang unang Sunday School. |
Sinimulang itayo ang Salt Lake Temple. Sumulong ang U.S. Army papuntang Utah upang buwagin ang inakalang rebelyon. Inilathala ang unang Aklat ni Mormon sa wikang hindi Ingles, sa Denmark (ibaba). |
Idinaos ang unang kumperensya sa bagong tayong Salt Lake Tabernacle (ibaba). Natapos ang riles ng tren sa Utah na patungo sa ibang kontinente. Nagsimula ang unang organisasyon ng Simbahan para sa mga kabataang babae. |
Bilang ng mga Miyembro sa Simbahan Bilang ng mga Stake (katapusan ng dekada) |
48,160 1 |
57,038 4 |
88,432 9 |
1840–49 |
1850–59 |
1860–69 | |
Mga Kaganapan sa Mundo |
Nagdeklara ng digmaan ang Amerika laban sa Mexico. Mga rebolusyon sa Vienna, Venice, Berlin, Milan, Rome, Warsaw. Inilathala ang Communist Manifesto. Taggutom sa patatas sa Ireland. |
Crimean War [digmaan sa pagitan ng Russia at ng magkakaanib na British Empire, France, Ottoman Empire at Kaharian ng Sardinia]. Ikinabit ang unang transatlantic telegraph cable. |
Digmaang Sibil sa Amerika. Rebolusyon sa Espanya. Pinalaya ang mga alipin sa Russia. Natalo ang Austria sa Seven Week’s War [digmaan noong 1866 na tinawag ding German Civil War]. |
1870–79 |
1880–89 |
1890–99 |
Nagsimula ang mga organisasyong Young Men MIA at Primary. Inilaan ang St. George Temple (ibaba)—ang una sa Utah. Itinatag ang mga kolonyang Mormon sa Arizona at Colorado. Pumanaw si Pangulong Young. |
Si John Taylor ang naging Pangulo ng Simbahan. Matinding pag-uusig sa mga miyembro ng Simbahan dahil sa pag-aasawa ng mahigit sa isa. Pumanaw si Pangulong Taylor; si Wilford Woodruff ang naging Pangulo ng Simbahan. |
Nagpalabas ng manifesto si Pangulong Woodruff na nagpatigil sa pag-aasawa ng mahigit sa isa (tingnan sa Opisyal na Pahayag 1). Inilaan ang Salt Lake Temple (ibaba at ibaba kaliwa). Pumanaw si Pangulong Woodruff; si Lorenzo Snow ang naging Pangulo ng Simbahan. Muling binigyang-diin ang ikapu. |
128,386 22 |
183,144 32 |
271,681 40 |
1870–79 |
1880–89 |
1890–99 |
Franco-Prussian War. Rebolusyon sa Paris. |
Terorismo sa Ireland. |
Sino-Japanese War. Spanish- American War. Boer War sa South Africa [sa pagitan ng mga Briton at mga nandayuhang Dutch]. |
1900–09 |
1910–19 |
1920–29 | |
Mga Kaganapan sa Simbahan |
Pumanaw si Pangulong Snow; si Joseph F. Smith ang naging Pangulo ng Simbahan. Naging miyembro ng U.S. Senate si Reed Smoot (kaliwa) ng Korum ng Labindalawang Apostol matapos ng mahabang debate. Hiniling ng Unang Panguluhan sa mga miyembro sa Europa na manatili roon upang patatagin ang Simbahan. |
Inialis ang mga misyonero sa France, Germany, Switzerland, Belgium bago sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang Jesus the Christ (ibaba) ay inilathala. Natanggap ni Pangulong Smith ang pangitain tungkol sa pagtubos sa mga patay (tingnan sa D at T 138). Pumanaw si Pangulong Smith, at si Heber J. Grant ang humalili sa kanya. |
Inilaan ni Elder Melvin J. Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang South America para sa pangangaral ng ebanghelyo. Itinatag ang unang LDS institute of religion. Sinimulan ng Tabernacle Choir (ibaba) ang serye ng lingguhang brodkast sa radyo, na patuloy pa rin hanggang ngayon. |
Bilang ng mga Miyembro sa Simbahan Bilang ng mga Stake (katapusan ng dekada) |
377,279 60 |
507,961 79 |
663,652 104 |
1900–09 |
1910–19 |
1920–29 | |
Mga Kaganapan sa Mundo |
Russo-Japanese War. Rebolusyon sa Russia noong 1905. Namatay ang 150,000 sa lindol sa katimugang Italy at Sicily. |
Turkish-Italian War. Rebolusyon sa China. Balkan Wars. World War I. Rebolusyon sa Russia noong 1917. Milyun-milyon ang namatay sa buong daigdig dahil sa epidemya ng trangkaso. |
Namuno si Stalin sa Soviet Union. Nagsimulang maging makapangyarihan sina Hitler at Mussolini sa Germany at Italy. Bumagsak ang U.S. stock market, na nagpasimula ng krisis sa ekonomiya sa buong mundo. |
1930–39 |
1940–49 |
1950–59 |
Nagpasimula ng pormal na programang pangkapakanan (welfare program) ang Simbahan para tulungan ang mga nangangailangan at walang trabahong mga miyembro (ibaba). Noong 1939 lahat ng misyonero sa Germany ay inutusang lumipat sa mga bansang walang kinikilingan; pagkatapos ay inialis ang lahat ng misyonero sa Europa. |
Hinikayat ang mga miyembro na magtanim, magpreserba ng mga prutas at pagkain, at mag-imbak ng uling. Pumanaw si Pangulong Grant; si George Albert Smith ang humalili sa kanya. Pagkaraan ng WWII, nagpadala ng tulong ang Simbahan sa Europa (ibaba). Naging permanenteng programa ng Simbahan ang pagkakawanggawa o welfare. |
Pumanaw si Pangulong Smith; si David O. McKay ang naging Pangulo ng Simbahan. Si Ezra Taft Benson (ibaba) ng Korum ng Labindalawang Apostol ay napili ng pangulo ng Estados Unidos ng Amerika bilang Secretary of Agriculture. Sinabi ni Pangulong McKay, “Bawat miyembro ay misyonero.” |
803,528 129 |
1,078,671 175 |
1,616,088 290 |
1930–39 |
1940–49 |
1950–59 |
Bumagsak ang monarkiyang Espanyol. Nilusob ni Mussolini ang Ethiopia. Nilusob ni Hitler ang Austria at Poland. Nilusob ng Japan ang China. Russo-Finnish War. |
World War II. Milyun-milyong Judio ang pinatay sa Holocaust [ng mga Nazi]. Unang paggamit ng mga bomba atomika. Nagsimula ang Cold War [sa pagitan ng Amerika at Russia]. |
Korean War [sa pagitan ng North at South Korea]. Nilikha ang hydrogen bomb. Lumala ang Cold War. Lumawak ang Digmaan sa Vietnam. Namuno si Fidel Castro sa Cuba. |
1960–69 |
1970–79 |
1980–89 | |
Mga Kaganapan sa Simbahan |
Sinimulan ang pormal na pagsasanay sa wika ng mga misyonero sa Brigham Young University. Hinalinhan ng programa sa home teaching ang programa sa ward teaching. Binigyang-diin ang programa sa family home evening. |
Pumanaw si Pangulong McKay, na hinalinhan ni Joseph Fielding Smith. Pumanaw si Pangulong Smith makaraan ang dalawang taon, at hinalinhan ni Harold B. Lee, na pumanaw matapos manungkulan nang 18 buwan. Si Spencer W. Kimball ang naging Pangulo ng Simbahan. Inorganisa ang Unang Korum ng Pitumpu. Ang priesthood ay ipinagkaloob sa lahat ng karapat-dapat na miyembrong lalaki. |
Idinagdag ang subtitle na “Isa Pang Tipan ni Jesucristo” sa Aklat ni Mormon. Itinatag ang Pangalawang Korum ng Pitumpu. Pumanaw si Pangulong Kimball; sinang-ayunan si Ezra Taft Benson bilang Pangulo ng Simbahan. |
Bilang ng mga Miyembro sa Simbahan Bilang ng mga Stake (katapusan ng dekada) |
2,807,456 496 |
4,404,121 1,092 |
7,308,444 1,739 |
1960–69 |
1970–79 |
1980–89 | |
Mga Kaganapan sa Mundo |
Itinayo ang Berlin Wall. Cuban missile crisis [paghaharap ng Estados Unidos, Soviet Union, at Cuba]. Arab-Israeli Six-Day War [sa pagitan ng Israel at ng mga bansang Egypt, Jordan, at Syria]. |
Arab-Israeli Yom Kippur War [sa pagitan ng Israel at ng magkakaanib na mga bansang Arabo na sumusuporta sa Egypt at Syria]. Sinalakay ng mga terorista ang Munich Olympics. Sadyang paglipol sa mga mamamayan ng Cambodia. |
Falklands War [sa pagitan ng Argentina at United Kingdom]. Nilusob ng Israel ang Lebanon. Bumagsak ang rehimeng Marcos sa Pilipinas. Pinasabog ang eroplano sa Lockerbie, Scotland. Binuksan ang Berlin Wall. Nilusob ng Amerika ang Panama. |
1990–99 |
2000–2009 |
Tinawag ang ika-500,000 misyonero ng dispensasyong ito. Pumanaw si Pangulong Benson at hinalinhan siya ni Howard W. Hunter, na naglingkod nang wala pang siyam na buwan bago ito namatay. Itinalaga si Gordon B. Hinckley bilang Pangulo ng Simbahan. Nagsimula ang programa ng puspusang pagtatayo ng mga templo. |
Mas marami na ang mga miyembro ng Simbahan na nagsasalita ng ibang wika bukod sa Ingles. Pumanaw si Pangulong Hinckley; si Thomas S. Monson ang naging ika-16 na Pangulo ng Simbahan. Tinawag ang ika-1,000,000 misyonero. Inilaan ang Conference Center (ibaba). 130 templo ang ginagamit. |
10,752,984 2,542 |
13,750,651 2,858 |
1990–99 |
2000–2009 |
Persian Gulf War. Nagkawatak-watak ang Soviet Union. Nabuwag ang Yugoslav federation, na nauwi sa maraming taon ng digmaan. Libu-libong katao ang namatay sa lindol sa Japan. Mga Maramihang Pagpatay sa Rwanda. |
Mga pagsalakay ng mga terorista. Nilusob ng Estados Unidos ng Amerika at mga kaanib nito ang Iraq. Namatay sa Indian Ocean tsunami ang mahigit 225,000 katao. Krisis sa pananalapi sa buong mundo. |