Isang Saglit sa Buhay Ko
Ang Relief Society Noon
Noong 1842 isang maliit na grupo ng kababaihan sa Nauvoo, Illinois, ang nagtipon upang bumuo ng isang samahan ng mga mananahi upang maglaan ng mga damit para sa mga temple worker. Gayunman, ayon sa payo sa kanila ni Propetang Joseph Smith, ang kanilang mga responsibilidad ay “hindi lamang tumulong sa mga maralita, kundi magligtas ng mga kaluluwa.”1 Sa ganitong paraan itinatag ang Relief Society.
Pormal na inorganisa ni Joseph Smith ang Relief Society noong Marso 17, 1842. Ang asawa niyang si Emma ang unang pangulo nito.
Agad kumilos ang kababaihan sa pagtulong sa mga nangangailangan. Ang mga bagong dating, pati na mga nandayuhan, ay madalas na nangangailangan ng pagkain, kanlungan, at damit pagdating nila. Marami ring dumanas ng hirap ng katawan, sakit, at pagkamatay ng mga kapamilya.
Pagsapit ng tag-init ng 1842, napakalaki na ng organisasyon ng Relief Society kaya hindi na sila kasya sa alinmang gusali sa Nauvoo. Sa halip ay nagpulong ang kababaihan sa kakahuyan malapit sa kinatatayuan ng templo. Noong taglamig ng 1842–43, ipinagpaliban nila ang kanilang mga miting, ngunit bumisita pa rin sa isa’t isa ang kababaihan ng “necessity committee,” na siyang pinagmulan ng visiting teaching.