Sa mga Balita
Mga Taunang Pageant Nagsimula sa Mesa
Bawat taon limang pageant ang tinatangkilik ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng Estados Unidos. Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa bawat pageant.
Mesa Pageant
Ang Mesa, Arizona, Pageant na, Jesus the Christ, ay muling pagsasalaysay ng kuwento ng pagsilang, ministeryo, mapagparayang kamatayan, at mahimalang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Mapapanood ang pagtatanghal mula Marso 24 hanggang Abril 3. Tingnan ang www.easterpageant.org para sa karagdagang impormasyon.
Manti Pageant
Ang The Mormon Miracle Pageant ng Manti, Utah, ay nag-uugnay sa mga kuwento tungkol sa Panunumbalik ng ebanghelyo, sa saksi ng Aklat ni Mormon, at sa paglalakbay ng matatapat na pioneer sa Sanpete Valley. Mapapanood ang pagtatanghal mula Hunyo 17 hanggang 26. Tingnan ang www.mormonmiracle.org para sa karagdagang impormasyon.
Nauvoo Pageant
Ang Nauvoo, Illinois, Pageant na, A Tribute to Joseph Smith, ay paggunita sa ipinanumbalik na ebanghelyo, sa misyon ni Joseph Smith bilang propeta, at sa pamana ng mga unang Banal sa mga Huling Araw sa Nauvoo. Mapapanood ang pagtatanghal mula Hulyo 6 hanggang Hulyo 31. Tingnan ang www.nauvoopageant.org para sa karagdagang impormasyon.
Hill Cumorah Pageant
Ang Hill Cumorah, New York, Pageant na, America’s Witness for Christ, ay muling pagsasalaysay ng kuwento ng Aklat ni Mormon, kabilang na ang mga pagsubok ng pamilya ni Lehi at ng kanyang mga inapo, ang maluwalhating pagdalaw ni Jesucristo sa Amerika, at ang pagkatuklas ni Joseph Smith sa mga lamina. Mapapanood ang pagtatanghal mula Hulyo 9 hanggang 17. Tingnan ang www.hillcumorah.org para sa karagdagang impormasyon.
Castle Valley Pageant
Ang Castle Valley, Utah, Pageant ay isang detalyado at makasaysayang pagsasadula ng pagkakatatag ng pioneer village sa Castle Dale, Utah. Mapapanood ang pagtatanghal mula Hulyo 29 hanggang Agosto 7. Para sa karagdagang impormasyon tumawag sa 1-435-687-2403. Ang Castle Valley Pageant ay kahalili bawat taon ng Clarkston Pageant na nagtatanghal ng Martin Harris: The Man Who Knew, sa Clarkston, Utah.
Mga Musika at Sining Pang-Kultura Kailangan nang Isumite
Ang deadline sa taong ito para sa mga miyembrong nais magsumite ng orihinal na musika at mga dulang pang-teatro na maaaring piliing ilathala o ipalabas ng Simbahan ay ilang linggo na lamang. Ang petsa ng pagsusumite ay sa Marso 31, 2010.
Ang mapipiling musika ay iparirinig sa Church Music Festival, at ang mapipiling mga script at tula ay isasama sa Cultural Arts Submission Presentation. Minsan pinipili ang mga likha para sa mga gagawing paglalathala sa Web site ng Simbahan o sa mga magasin ng Simbahan. Kabilang sa isusumiteng musika ang mga awitin, mga awiting pambata, himno, pambansang awit, mga areglo ng himno, at mga instrumental na tugtugin at iba pang likha.
Ang mga isinusumiteng sining pang-kultura ay mga dulang pang-teatro na kinabibilangan ng drama, komedya, at musikal. Ang mga tula at talumpati na makabuluhang itanghal ay tinatanggap din.
Ang mga likhang isusumite ay dapat akma para magamit sa mga yunit ng Simbahan, makapagtuturo ng mga alituntunin ng ebanghelyo, wasto sa doktrina, at tumpak kung batay sa kasaysayan. Tatanggapin ang mga likha mula sa lahat ng wika.
Para sa karagdagang impormasyon at gabay sa pagsumite ng mga sining pang-kultura, tumawag sa 801-240-6492.