2010
Homework na Walang Hirap
Marso 2010


Homework na Walang Hirap

Valerie S., edad 18, Samoa

May tatapusin akong 16-na-pahinang research paper. Kahit may tatapusin ding ganoong assignment ang mga pinsan ko, nagplano pa rin silang manood ng sine. Gusto ko talagang sumama, pero naisip ko ang mga ibubunga ng pagpasok sa eskuwela kinabukasan kung hindi tapos ang research paper ko. Pinili kong manatili sa bahay at gawin ang research paper ko. Kinabukasan ipinasa ko ang research paper ko samantalang abala ang mga pinsan ko sa pagtapos ng research nila pagsapit ng deadline. Litung-lito sila, pero maganda ang pakiramdam ko dahil pinili kong unahing gawin ang homework ko.

Print