2010
Komentaryo
Marso 2010


Komentaryo

Ang Susi sa Tagumpay

Salamat sa “Sugar Beets at ang Kahalagahan ng Isang Kaluluwa” (Thomas S. Monson, Hulyo 2009, 3). Ginamit ko ang artikulong iyan para sa pansarili kong pag-aaral, at nakatulong ito sa akin nang malaki. Alam kong mahirap ang gawaing-misyonero, pero nakakatuwa at kapaki-pakinabang din ito. Gustung-gusto ko ang mga pagbabagong nagaganap sa mga tao kapag nabinyagan na sila. Ang kuwentong ito ang nagbigay ng inspirasyon sa akin na magsumigasig, na siyang susi sa tagumpay. Ang mga bagay na natutuhan ko sa Liahona ay makatutulong sa akin na maging mas mabuting misyonero.

Elder Ramon Cristopher H. Villaluna, Philippines Naga Mission

Isang Sulyap sa Walang Hanggang Kaligayahan

Salamat sa Liahona, nagkaroon ako ng lakas ng loob na manatiling matatag sa ebanghelyo ni Jesucristo. Pinalalakas nito ang aking patotoo at tinutulungan ako sa aking mga problema. Ang mga turong matatagpuan sa magasin ay tumutulong sa ating masulyapan ang walang hanggang kaligayahan.

Júlia Maria Azevedo, Brazil