Ang Bagong Primary ni Miguel
“Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo’y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:19).
1. Sa unang Linggo ng paglipat ni Miguel sa isang bagong lungsod, dinala siya ng kanyang ina sa simbahan. Nagpunta sila sa bago niyang klase sa Primary.
2. Pagdating nila sa pintuan ng silid-aralan, hinawakan ni Miguel ang kamay ni Inay. “Hindi po siya ang titser ko, Inay. Nasaan po si Sister Dominguez?”
3. Lumuhod si Inay para kausapin si Miguel. “Nasa ibang lungsod na tayo ngayon, at magkakaroon tayo ng mga bagong kaibigan—gaya ng bago mong titser sa Primary.”
4. “Ayaw ko po ng bagong titser,” sabi ni Miguel. “Gusto ko pong umuwi sa lumang bahay natin at makasama ang dati kong titser.”
5. “Alam kong hindi madaling lumipat ng lugar,” sabi ni Inay. “Pero may ilang bagay na pareho pa rin. Kakanta ka ng mga awitin sa Primary, magdarasal, at makikinig sa mga mensahe.”
6. “Talaga po?” tanong ni Miguel. “Ano pa po ang pareho?”
“Tuturuan ka ng bago mong titser sa Primary tungkol kay Jesus—tulad ng ginawa ni Sister Dominguez.”
7. Binitiwan ni Miguel ang kamay ni Inay at naupo sa silya sa bago niyang klase sa Primary.
8. Kalaunan …
“Inay, tama po kayo! Kumanta po kami, nagdasal, at nakinig sa mga mensahe. Sabi po ng bagong titser ko sa Primary, mahal ako ni Jesus. Pareho nga!”