2010
Pangkalahatang Kumperensya
Marso 2010


Sa Kalendaryo

Pangkalahatang Kumperensya

Huwag kalimutan: ang general Young Women meeting ay gaganapin sa Marso 27, at ang pangkalahatang kumperensya ay gaganapin sa Abril 3 at 4.

Ano ang pangkalahatang kumperensya? Ito ay pandaigdigang miting ng Simbahan, na ginaganap nang dalawang beses sa isang taon—tuwing unang Sabado at Linggo ng Abril at Oktubre. Sa halip na dumalo sa regular na mga miting ng Simbahan sa araw ng Linggo, nagtitipon ang mga miyembro upang tumanggap ng payo mula sa propeta, sa kanyang mga tagapayo, sa Labindalawang Apostol, at iba pang mga lider ng Simbahan.

Ang pangkalahatang kumperensya ay nagbubuhat sa Salt Lake City, Utah, at nahahati sa apat na tig-dadalawang-oras na sesyon para sa lahat ng miyembro at isang dalawang-oras na sesyon para sa mga mayhawak ng priesthood. Ang ilang miyembro ng Simbahan ay dumadalo sa kumperensya sa Conference Center na may 21,000 upuan, ngunit karamihan ay napapanood ito sa pamamagitan ng brodkast. Sabay na mapapanood sa ilang area ang pagsasahimpapawid ng pangkalahatang kumperensya. Matatanggap ng ibang area ang mga video o audio recording ng kumperensya sa loob ng maikling panahon kasunod ng orihinal na mga brodkast. Alamin sa inyong lider ng priesthood o sa www.conference.lds.org kung kailan at saan gaganapin ang brodkast.

Kasunod ng kumperensya, mababasa at mapag-aaralan ninyo ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya sa mga isyu ng Liahona para sa Mayo at Nobyembre.

Ang general Young Women meeting—isang miting ng buong Simbahan para sa mga kabataang babaeng edad 12 hanggang 18, kanilang mga ina, at mga lider ng Young Women—ay ginaganap taun-taon sa buwan ng Marso, at ang general Relief Society meeting ay ginaganap sa buwan ng Setyembre. Ang dalawang miting na ito ay ibinobrodkast sa Sabado ng gabi isang linggo bago sumapit ang pangkalahatang kumperensya.