Paano ko sasabihin sa isang kaibigan na hindi angkop ang kanyang musika nang hindi nasisira ang aming pagkakaibigan? Palagi niyang sinasabi sa akin na kung kaibigan niya ako, hindi ako magrereklamo tungkol dito. Ano ang dapat kong gawin?
Ang musika at mga kaibigang nakapaligid sa iyo ay malalakas na impluwensya sa iyong buhay. Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008): “Piliing mabuti ang inyong mga kaibigan. Sila ang aakay sa inyo sa isang direksiyon o kaya’y sa isa pa.”1
Ang pag-uusap ninyo tungkol sa musikang pinakikinggan ninyo ng kaibigan mo ay maaaring maging magandang karanasan para sa inyong dalawa. Magalang na ipaliwanag ang iyong damdamin tungkol sa kahalagahan ng mabuting media at ang paninira ng masamang media. Sabihin sa kanya kung paanong ang pagpili niya ng musika o tugtog ang pumipigil sa mas masaya sana ninyong pagsasamahan.
Kung patuloy siyang makikinig sa tugtuging nagtataboy sa Espiritu, isiping magpalit na ng kaibigan. Mahalaga ang mga kaibigan, ngunit hindi sa kapinsalaan ng iyong espirituwal na kapakanan.