“Lesson 5 Materyal ng Titser: Pagiging mga Pinagtipanang Tao ng Panginoon,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)
“Lesson 5 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo
Lesson 5 Materyal ng Titser
Pagiging mga Pinagtipanang Tao ng Panginoon
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson na ang paggawa at pagtupad ng mga tipan kay Jesucristo ay “magbubukas ng pinto para sa bawat espirituwal na mga pagpapala at pribilehiyo” sa lahat ng tao (“Habang Tayo ay Sama-samang Sumusulong,” Liahona, Abr. 2018, 7). Sa lesson na ito, bibigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi kung paano mapagpapala ang kanilang buhay ng paggawa at pagtupad ng mga tipan kay Jehova at kung ano ang magagawa nila para tumibay ang kanilang determinasyon na tapat na tahakin ang landas ng tipan.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Ipinahayag ni Jesucristo na Siya si Jehova, ang Diyos ng Lumang Tipan.
Idispley ang sumusunod na pahayag: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, bago pa man si Abraham ay Ako Nga” (Juan 8:58). Ipaalala sa mga estudyante na ipinahayag ito ni Jesus matapos hindi tanggapin ng ilang eskriba at Fariseo ang Kanyang pahayag na Siya ang Ilaw ng Sanlibutan at ginagawa Niya ang gawain ng Kanyang Ama. Pilit nilang itinanong kung sino Siya talaga (tingnan sa Juan 8:25). Talakayin ang mga sumusunod na tanong:
-
Bakit tinangkang batuhin ng mga eskriba at mga Fariseo ang Tagapagligtas dahil sa pahayag Niyang ito? (Maaaring mahalagang rebyuhin ang konteksto sa Exodo 3 at pagkatapos ay basahin ang talata 13–14 ng kabanatang iyon at ang pahayag ni Elder Bruce R. McConkie sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanang tulad ng sumusunod: Si Jesucristo ay si Jehova, ang Diyos ng Lumang Tipan at ang Dakilang Ako Nga.)
-
Ano ang itinuturo sa atin ng mga pangalang Jehova at Ako Nga tungkol sa katangian ni Jesucristo? (Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang natutuhan nila mula sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda, maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na salita: hindi pabagu-bago, walang hanggan, at nabubuhay dahil sa sariling kapangyarihan.) Paano nakatutulong sa inyo ang kaalamang si Jesucristo ay hindi pabagu-bago, walang hanggan, at nabubuhay dahil sa sariling kapangyarihan upang magtiwala kayo sa Kanya?
Maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi kung bakit sila nagtitiwala sa Panginoon.
Inaanyayahan tayo ni Jehova na gumawa ng mga sagradong tipan at tuparin ang mga ito.
Isiping itanong:
-
Bakit tayo magtitiwala sa mga tipang ginagawa natin sa Panginoon? (Sa inyong talakayan, tiyaking nauunawaan ng mga estudyante ang kahulugan ng tipan, na matatagpuan sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)
Upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan nang mas malalim ang walang hanggang kahalagahan ng paggawa at pagtupad ng mga tipan sa Panginoon, maaari mong talakayin ang sumusunod na sitwasyon.
Sabihin sa kalahati ng klase na saliksikin ang pahayag ni Elder D. Todd Christofferson sa bahagi 2 at alamin ang mga pagpapala ng pagtahak sa landas ng tipan. Sabihin sa natitirang kalahati ng klase na saliksikin ang Abraham 2:8–11 at alamin ang mga ipinangakong pagpapala ng pagtupad sa tipang Abraham.
Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na magsaliksik, maaari mong ipartner sa mga estudyante ang taong nag-aral ng isa pang teksto at sabihin sa kanila na ibahagi kung paano makatutulong kay Jim ang mga katotohanang natukoy nila para mabago ang kanyang pananaw tungkol sa mga tipan.
Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga tipan ng ebanghelyo, maaari mong talakayin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong:
-
Sa inyong palagay, bakit iniuutos ni Jesucristo na gumawa tayo ng mga tipan para matanggap ang Kanyang pinakadakilang mga pagpapala? Paano napagpapala ang buhay ninyo ng paggawa at pagtupad ng mga tipan?
-
Ano ang kaugnayan ng tipang Abraham at ng banal na templo? (Maaari mong basahin ang pahayag ni Pangulong Nelson sa bahagi 2 at tulungan ang mga estudyante na maunawaan na sa pamamagitan lamang ng templo natin matatanggap ang kaloob na buhay na walang hanggan, na siyang pinakadakilang pagpapala ng tipang Abraham. Pagkatapos ay maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung paano sila napagpala o mapagpapala sa pamamagitan ng paggawa at pagtupad ng mga tipan sa templo.)
2:3
Pagkatapos ay maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na itala ang pagpapala ng tipan na nais nila at kung ano ang gagawin nila para matanggap ang pagpapalang iyon. (Matapos isulat ng mga estudyante ang mga naisip nila, maaari mong ibigay ang sumusunod na pananaw mula kay Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol: “May mga pagpapalang dumarating kaagad, may ilang huli na, at may ilang hindi dumarating hangga’t hindi tayo nakararating sa langit; ngunit para sa mga taong tumatanggap sa ebanghelyo ni Jesucristo, dumarating ang mga ito” [“An High Priest of Good Things to Come,” Ensign, Nob. 1999, 38].)
Para sa Susunod
Bago ang susunod na klase, ipadala sa mga estudyante ang sumusunod na mensahe: Gusto ba ninyong malaman kung ano ang maituturo sa inyo ng kordero, mga haligi ng pinto, tinapay na walang pampaalsa, mapapait na gulay, at tungkod tungkol kay Jesucristo? Pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa lesson 6 para malaman ninyo.