Institute
Lesson 14 Materyal ng Titser: Pagkilala sa mga Himala ng Tagapagligtas


“Lesson 14 Materyal ng Titser: Pagkilala sa mga Himala ng Tagapagligtas,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)

“Lesson 14 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo

Lesson 14 Materyal ng Titser

Pagkilala sa mga Himala ng Tagapagligtas

Ipinahayag ni Jesucristo, “Ako ay Diyos ng mga himala” (2 Nephi 27:23). Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng mga himalang ginawa Niya noong Kanyang ministeryo sa mundo. Pag-iisipan din ng mga estudyante kung ano ang magagawa nila para matanggap ang mga himala ng Panginoon sa kanilang sariling buhay at matukoy ang mga himalang natanggap na nila.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Pinagagaling ni Jesucristo ang mga tao kapwa sa pisikal at espirituwal.

Maaari mong idispley bago magklase ang sumusunod na mga larawan ng mga himala na tumutugma sa aktibidad na “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Sa pagsisimula ng klase, ituon ang pansin ng mga estudyante sa mga larawan, at anyayahan ang isa o dalawang estudyante na maikling ibahagi ang kanilang pangkalahatang impresyon tungkol sa mga himala ni Jesus.

Ginawang alak ang tubig

Marriage at Cana [Ang Kasalan sa Cana], ni Carl Bloch

Pagpapatigil sa unos

Stilling the Storm [Pagpapatigil sa Unos], ni Ted Henninger

Pagpapabangon sa patay

lalaking ibinangon

Pagpapakain sa 5,000

pagpapakain sa 5,000

Pagpapanumbalik ng paningin

ipinanumbalik ni Jesus ang paningin ng isang bulag na lalaki

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumunta sa aktibidad na “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda at rebyuhin ang himalang napag-aralan nila bilang paghahanda para sa klase. Kung hindi sila naghanda, sabihin sa kanila na pumili ng isang himala na pag-aaralan. Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para rebyuhin o pag-aralan ang himalang pinili nila at pag-isipan ang kanilang mga sagot sa dalawang tanong mula sa aktibidad.

Matapos bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras na magrebyu, sabihin sa kanila na bumuo ng maliliit na grupo kasama ang iba pang mga estudyante na nag-aral ng ibang himala. Bawat miyembro ng grupo ay dapat bigyan ng pagkakataong ibuod nang maikli ang himalang pinag-aralan niya at talakayin ang kanyang sagot sa isa sa dalawang kalakip na tanong.

pinagagaling ni Jesus ang isang lalaki

Maaari mo ring sabihin sa isang estudyante na ibuod ang salaysay tungkol sa pagpapagaling ng Panginoon sa lalaking lumpo, na nakatala sa Marcos 2:5–12, na tinalakay sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.

2:55

Pagkatapos ay maaari mong tulungan ang mga estudyante na mapalalim ang pag-unawa nila sa pamamagitan ng pagtatanong ng isa o lahat ng mga sumusunod:

  • Ano ang natutuhan natin tungkol sa kapangyarihang magpagaling ng Panginoon mula sa himalang ito? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanan na tulad ng si Jesucristo ay may kapangyarihang pagalingin tayo kapwa sa espirituwal at pisikal.)

  • Sa anong mga paraan ninyo naranasan o ng isang kakilala ninyo ang espirituwal o pisikal na paggaling? (Maaari mong anyayahan ang isa o dalawang estudyante bago magklase na dumating sa klase na handang ibahagi ang kanilang mga sagot sa tanong na ito. Paalalahanan sila na hindi nila kailangang magbahagi ng anumang napakapersonal na bagay.)

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Anyayahan ang ilang estudyante bago magklase na dumating sa klase na handang magbahagi. Ang pagkatuto sa silid-aralan ay mas mapag-iibayo kapag inaanyayahan natin ang ilang estudyante na pumasok sa klase na handa sa kanilang mga sagot sa partikular na mga tanong mula sa lesson, magbahagi ng mga nauugnay na karanasan, o magpatotoo tungkol sa mga partikular na alituntunin. Ang ganitong uri ng paghahanda ay makatutulong para magkaroon ng talakayan, mapalalim ang pagkatuto, at magbigay ng mahahalagang pagkakataon para sa mga taong mas komportableng magbahagi kapag naihanda nila ang kanilang sasabihin.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda, at maaari mong itanong ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong upang matulungan ang iyong mga estudyante na matuto nang mas malalim:

  • Sa inyong palagay, bakit maituturing na mas dakilang himala ang malaking pagbabago ng puso kaysa mga pisikal na himala? Bakit mahalagang umasa tayo sa Tagapagligtas para sa himalang ito?

  • Paano ninyo ipaliliwanag ang himala ng isang nagbagong puso sa isang tao na hindi nakatitiyak kung ano ang ibig sabihin nito?

  • Ano ang maaaring gawin ng mga tao para maipakita sa Panginoon na hinahangad nila ang himalang ito? Anong partikular na gawain ang magagawa ninyo para maipakita sa Panginoon na hangad ninyong mas magbago pa ang inyong puso? (Maaaring kinakailangan mong ipaalala sa mga estudyante na ang pagbabago ng puso ay isang proseso, hindi isang pangyayari. Maaaring makatulong na bigyan ng oras ang mga estudyante para maisulat ang kanilang mga naisip at impresyon.)

Ang mga himala ay nangyayari ayon sa ating pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos.

Ipaalala sa mga estudyante na ang isang himalang ginawa ng Tagapagligtas noong Kanyang ministeryo sa mundo ay ang pagpapagaling ng isang ketongin. Sabihin sa isang estudyante na maikling ibahagi kung ano kaya ang buhay ng isang ketongin sa panahon ng Bagong Tipan at kung paano kaya nabago ang kanyang buhay noong siya ay gumaling.

Basahin nang magkakasama ang Marcos 1:40–42, at sabihin sa mga estudyante na alamin kung paano nilapitan ng ketongin ang Panginoon para sa isang himala.

  • Ano ang matututuhan natin mula sa salaysay na ito tungkol sa kung paano lumapit sa Panginoon kapag humihiling ng himala? (Maaari ninyong rebyuhin ang pahayag ni Elder Jorge F. Zeballos sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda. Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang alituntuning tulad nito: Kapag nanampalataya tayo kay Jesucristo, makagagawa Siya ng mga himala sa ating buhay ayon sa Kanyang kalooban.)

  • Paano tayo magkakaroon ng pananampalataya na magtiwala sa kalooban ng Panginoon kapag humihiling ng himala? (Maaari ninyong rebyuhin ang mga pahayag ng mga lider ng Simbahan sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)

Maaaring makatulong na sabihin sa ilang estudyante bago magklase na rebyuhin ang mga kuwento na ibinahagi ni Pangulong Oaks o ni Elder David A. Bednar na matatagpuan sa ilalim ng tanong na “Paano ako magkakaroon ng pananampalataya na magtiwala sa kalooban ng Panginoon kapag humihiling ng himala?” sa bahaging “Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?” ng materyal sa paghahanda. Sa klase, maaari mong sabihin sa mga estudyanteng ito na ibahagi ang isa sa mga kuwento at kung ano ang natutuhan nila rito tungkol sa mga himala at pagtitiwala sa kalooban ng Panginoon.

Maaari ninyong basahin ang pahayag ni Elder Ronald A. Rasband sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng maliliit at simpleng himala na nasaksihan nila. (Maaaring mabanggit ng mga estudyante ang mga himalang tulad ng pagtanggap ng paghahayag, pagdaig sa nakapipinsalang gawi, pagtanggap ng lakas na patawarin ang isang tao, napalakas nang maharap sa paghihirap, nag-ibayo ang kakayahan na matapos ang isang mahirap na gawain, at iba pa.)

  • Ano ang inihahayag ng karaniwang “maliliit na himalang ito” tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang natutuhan nila mula sa lesson na ito, maaari mo silang bigyan ng oras na pagnilayan at isulat ang kanilang mga naisip at nadama tungkol sa sumusunod na tanong:

  • Ano ang magagawa ko para mas makita at maging handa sa mga himala ng Panginoon sa aking buhay?

Magbahagi ng patotoo na si Jesucristo ay Diyos ng mga himala, o maaari mong anyayahan ang isa o mahigit pang mga estudyante na gawin ito.

Para sa Susunod

Upang mahikayat ang mga estudyante na maghanda para sa susunod na klase, maaari mong ipadala ang sumusunod na larawan at mensahe: Ano ang pinakahuling karanasan mo sa pagtanggap ng sakramento? Habang pinag-aaralan mo ang materyal sa paghahanda para sa lesson 15, pagnilayan kung bakit nais ni Jesucristo na makibahagi ka linggu-linggo sa sagradong ordenansang ito.

isang maliit na piraso ng tinapay at maliit na tasa ng tubig