“Lesson 11 Materyal ng Titser: Pagtamasa sa mga Pagpapala ng Simbahan ng Panginoon,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)
“Lesson 11 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo
Lesson 11 Materyal ng Titser
Pagtamasa sa mga Pagpapala ng Simbahan ng Panginoon
Noong Kanyang mortal na ministeryo at muli sa mga huling araw, tumawag si Jesucristo ng mga Apostol at inorganisa ang Kanyang Simbahan. Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong pag-isipan ang mga pagpapalang matatanggap nila sa pamamagitan ng Simbahan ng Panginoon. Pag-iisipan din nila kung ano ang maaari nilang gawin para mapagbuti ang kanilang sariling karanasan at ang karanasan ng iba sa Simbahan.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Makahahanap tayo ng layunin sa Simbahan ng Panginoon.
Maaari mong simulan ang klase sa pagbabahagi ng sumusunod na sitwasyon:
-
Gaano karaniwan ang pananaw na ito sa mga young adult na kilala ninyo?
-
Paano ninyo sasagutin ang tanong ni Isabella?
Matapos magbahagi ang mga estudyante, maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na heading: Mga Pagpapala ng Pagdalo at Pakikibahagi sa Simbahan ng Panginoon. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na ilista ang kanilang mga ideya sa ilalim ng heading na ito.
Maaaring ilista ng mga estudyante ang ilan sa mga sumusunod na pagpapala: pagtanggap at paggamit ng awtoridad at mga susi ng priesthood, pagtanggap ng mga ordenansa at paggawa ng mga tipan, pag-aaral ng dalisay at malinaw na doktrina, pagtanggap ng tulong na magsisi, paghahanap ng mga pagkakataong tipunin ang Israel, pagtulong sa mga maralita at pagtugon sa mga pangangailangan ng tao, pakikibahagi sa gawain sa templo para sa mga patay, pagkakaroon ng mga pagkakataong maglingkod at makisalamuha sa iba, at pagpapatatag ng mga pamilya.
-
Sa inyong palagay, alin sa mga pagpapalang ito ang natatangi sa Simbahan ng Panginoon?
Sa talakayang ito, isipin kung alin sa mga sumusunod na aktibidad at tanong ang makatutulong para mabigyang-diin ang mga natatanging pagpapala ng Simbahan. (Maaaring wala kang sapat na oras para matalakay ninyo ang lahat ng paksang ito. Maaari mo ring piliing palalimin pa ang iba’t ibang bahagi ng talakayan.)
Awtoridad at mga Susi ng Priesthood
Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isadula nang magkakapartner ang sumusunod na sitwasyon:
Maaaring basahin ng mga estudyante ang Efeso 2:19–20; Mateo 10:1, 7–8; 16:19; Mga Gawa 1:21–22; at Doktrina at mga Tipan 107:23 nang magkakasama para simulan ang aktibidad na ito. (Maaari mong suriin ang nauunawaan ng mga estudyante tungkol sa mga susi ng priesthood at dagdagan ang kanilang naunawaan kung kinakailangan. Tingnan ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Mga Susi ng Priesthood” [Liahona, Okt. 2005, 26–30], binanggit din sa bahaging “Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?” ng materyal sa paghahanda.)
-
Anong mga pagpapala ang darating lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan at awtoridad ng banal na priesthood? (Maaari ninyong rebyuhin ang mga pahayag nina Pangulong Dallin H. Oaks at Elder Robert D. Hales sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.) Kailan ninyo naranasan ang mga pagpapalang ito?
Mga Ordenansa at mga Tipan ng Priesthood
-
Ano ang nadarama ninyo tungkol sa pagtanggap ng mga sagradong ordenansa at paggawa ng mga sagradong tipan sa Diyos? (Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga pagpapalang nakalaan sa kanila habang patuloy silang sumusulong sa landas ng tipan.)
Paglilinaw tungkol sa Doktrina ng Panginoon
-
Paano tayo mapoprotektahan mula sa “bawat hangin ng aral” (Efeso 4:14) kapag dumadalo at nakikibahagi tayo sa Simbahan? (Rebyuhin nang magkakasama ang Efeso 4:11–14.) Paano kayo natulungan ng pangkalahatang kumperensya na matutuhan at maunawaan ang doktrina ni Cristo?
Gawain sa Templo
-
Paano kayo personal na napagpala ng gawain sa templo at family history?
Pagtitipon ng Israel
-
Sa paanong mga paraan nakatulong sa inyo ang Simbahan ng Panginoon sa pagtipon ng Israel sa magkabilang panig ng tabing? Paano napagpala ng mga gawaing ito ang inyong buhay?
Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga pagpapalang nakalista sa pisara na gusto nilang mas lubos na matamasa sa kanilang buhay. Bigyan ng oras ang mga estudyante na gumawa ng plano, kabilang ang paglilista ng mga hakbang na magagawa nila para matanggap ang mga pagpapalang tinukoy nila.
Maaari nating gawing kalugud-lugod na lugar ang ating mga ward at branch.
Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang gagawin nila kung hihilingan silang maglingkod sa isang tao sa kanilang ward o branch na iba ang opinyon o maaaring mahirap pakitunguhan.
-
Paano kayo umunlad sa inyong pagiging disipulo nang maglingkod at makipagtulungan kayo sa iba pang mga miyembro ng Simbahan? (Tingnan ang mga pahayag ni Elder D. Todd Christofferson sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)
Maaari ninyong rebyuhin ang Moroni 6:4–5 nang magkakasama at itanong sa mga estudyante kung nagkaroon na sila ng mga karanasan sa simbahan kung saan nadama nila na inalala, pinangalagaan, o pinalakas sila ng isang tao. Maaari din nilang isipin ang mga pagkakataon na nadama nilang nag-iisa sila sa simbahan.
-
Sa inyong palagay, bakit maaaring hindi madama ng ilang tao na kabilang sila sa simbahan? Ano ang magagawa natin para matulungan ang iba na madama na sila ay minamahal at kabilang sa simbahan? (Maaari ninyong rebyuhin ang halimbawang ibinahagi ni Sister Carole M. Stephens na matatagpuan sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Maaari din ninyong panoorin nang magkakasama ang video na “Inviting Others to ‘Come and Stay’ [Anyayahan ang Iba na ‘Lumapit at Manatili’]” [1:39].)
1:39
Ipaalala sa mga estudyante na bilang paghahanda para sa klase inanyayahan silang mag-isip ng isang taong maaaring mapagpala ng kanilang pakikipagkaibigan. Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang magagawa nila para matulungan ang taong ito na madamang minamahal siya at malugod na tinatanggap sa simbahan.
Para sa Susunod
Upang mahikayat ang mga estudyante na maghanda para sa susunod na klase, maaari mong ipadala ang sumusunod na mensahe sa loob ng buong linggo: Ano kaya ang pakiramdam ng maupo sa paanan ng Tagapagligtas at pakinggan Siyang magturo? Habang binabasa mo ang materyal sa paghahanda para sa lesson 12, isipin ang impluwensya ng mga turo ni Cristo sa iyong buhay.