Institute
Lesson 23 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Pamumuhay nang May Pag-asa habang Naghahanda Tayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo


“Lesson 23 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Pamumuhay nang May Pag-asa habang Naghahanda Tayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)

“Lesson 23 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo

The Second Coming [Ang Ikalawang Pagparito], ni Harry Anderson

Lesson 23 Materyal sa Paghahanda para sa Klase

Pamumuhay nang May Pag-asa habang Naghahanda Tayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Iniisip ng ilang tao ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon nang may takot at pangamba. Ang iba ay inaasam iyon nang may galak. Sinabi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Walang nagpapasigla sa hangarin kong mas banggitin si Cristo kaysa sa isaisip ang Kanyang pagbabalik” (“Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo,” Liahona, Nob. 2020, 91). Sa iyong pag-aaral, pagnilayan ang nadarama mo tungkol sa pagbabalik ni Cristo at kung paano makadaragdag sa iyong pag-asa ang paghahanda nang may pananampalataya.

Bahagi 1

Paano nagdudulot sa akin ng pag-asa at kapayapaan ang tamang pagkaunawa tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas at sa Kanyang paghahari sa milenyo?

Nang turuan Niya ang Kanyang mga disipulo sa Bundok ng mga Olibo, inihayag ni Jesus ang mga palatandaan at kundisyon na magaganap bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito. Ipinahayag ng Tagapagligtas na magkakaroon ng mga bulaang Cristo, bulaang propeta, digmaan, alingawngaw ng mga digmaan, taggutom, salot, lindol, kasamaan, at mga palatandaan sa kalangitan (tingnan sa Joseph Smith—Mateo 1:22–23, 28–30, 33).

Tulad ng mga sinaunang disipulo ng Panginoon, maaaring mabagabag ka sa mga palatandaan ng Kanyang pagbabalik. Noong 1831, tumanggap si Propetang Joseph Smith ng paghahayag na nagbigay ng pananaw ng Panginoon tungkol sa mga palatandaang ito.

young adult na nagdarasal
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 45:34–35, 38–39, at alamin kung paano nais ni Jesucristo na makita natin ang mga palatandaan ng Kanyang Ikalawang Pagparito. Pansinin na ang paggamit ng salitang natatakot sa talata 39 ay nagpapahiwatig ng pagpipitagan, pagsamba, at pagkamangha.

Mahalagang tandaan na ang mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Panginoon ay kinabibilangan din ng mga pangyayaring may kaugnayan sa Pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo. Isipin kung paano tayo inihahanda ng pagdating ng Aklat ni Mormon, ng panunumbalik ng priesthood, mga buhay na apostol at propeta, gawaing misyonero, gawain sa templo at family history, at ng pagtitipon ng Israel para sa pagbabalik ng Tagapagligtas (tingnan sa Malakias 4:5–6; Apocalipsis 14:6–7; 1 Nephi 21:13–26; 3 Nephi 21:1–11; Doktrina at mga Tipan 1:14, 17–1865).

He Comes Again to Rule and Reign [Siya ay Pumaritong Muli upang Mamuno at Maghari], ni Mary Sauer

Pinatotohanan ni Pangulong Russell M. Nelson:

Pangulong Russell M. Nelson

Ang ating Tagapagligtas at Manunubos, na si Jesucristo, ay gagawa ng ilan sa kanyang mga pinakadakilang gawain ngayon at hanggang sa Kanyang muling pagparito. (“Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 96)

Susundan ng Milenyo ang Ikalawang Pagparito. Sa panahon ng Milenyo, “maghahari si Cristo sa mundo” nang isang libong taon (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10). Ang paghahayag na natanggap sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith ay naglalarawan ng kung ano ang magiging buhay sa panahon ng Milenyo.

icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 101:26–32, 35, at isiping markahan ang mga kalagayang iiral sa panahon ng Milenyo.

Habang iniisip mo ang pagbabalik ng Tagapagligtas at ang Kanyang paghahari sa milenyo, isipin kung paano maiaangkop sa buhay mo ang sumusunod na payo ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Ronald A. Rasband

Kahit gaano pa katindi ang kasamaan at kaguluhan na pumupuno sa mundo, pinangakuan tayo sa pamamagitan ng araw-araw na pananampalataya kay Jesucristo ng “kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pag-iisip.” [Filipos 4:7]. At kapag dumating si Cristo nang may wagas na kapangyarihan at kaluwalhatian, ang kasamaan, paghihimagsik, at kawalan ng katarungan ay magwawakas …

… Oo, nabubuhay tayo sa mapanganib na panahon, ngunit habang nananatili tayo sa landas ng tipan, hindi natin kailangang matakot. Binabasbasan ko kayo na sa paggawa nito, hindi kayo mababagabag ng panahon kung kailan tayo nabubuhay o ng mga problema na darating sa inyo. … Binabasbasan ko kayo na maniwala sa mga pangako ni Jesucristo, na Siya ay buhay at Siya ay nagbabantay sa atin, nagmamalasakit at nakatayong kasama natin. (“Huwag Kayong Mabagabag,” Liahona, Nob. 2018, 19, 21)

young adult na nakatingala
icon, pagnilayan

Magnilay upang Makapaghanda para sa Klase

Ano ang naiisip at nadarama mo habang inilalarawan mo sa iyong isipan ang pagbabalik ng Tagapagligtas at ang Kanyang paghahari sa milenyo? Paano madaragdagan ng pagtutuon sa Tagapagligtas ang iyong pag-asa at kapayapaan habang nahaharap ka sa mga hamon sa mga huling araw?

Bahagi 2

Paano ko mas maihahanda ang aking sarili at ang iba para sa pagbabalik ng Panginoon?

Kaugnay ng mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito (tingnan sa Mateo 24), itinuro ng Tagapagligtas ang talinghaga tungkol sa sampung birhen. Ang talinghagang ito ay nakatuon sa mga kaugalian ng mga Judio sa kasal. Ang lalaking ikakasal, kasama ang kanyang matatalik na kaibigan, ay pupunta sa gabi sa bahay ng kanyang pakakasalan para sa seremonya ng kasal. Pagkatapos ng seremonya, pupunta ang mga panauhin sa kasal sa bahay ng lalaking bagong kasal para sa piging. Ang mga bisita sa kasal na sumama sa prusisyon ay inaasahang magdadala ng sarili nilang mga ilawan upang ipahiwatig na kasama sila sa mga panauhin sa kasal.

Parable of the Ten Virgins [Talinghaga ng Sampung Birhen], ni Dan Burr

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan na ang lalaking ikakasal ay kumakatawan kay Jesucristo, at ang mga birhen o dalaga ay mga miyembro ng Kanyang Simbahan (tingnan sa “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Liahona, Mayo 2004, 8).

icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Mateo 25:1–13, at pagnilayan ang iyong mga paghahanda para sa pagbabalik ng Panginoon. (Paalala: Mababasa sa Joseph Smith Translation ng Matthew 25:12 ang “Hindi ninyo ako nakikilala” sa halip na “Hindi ko kayo nakikilala.”)

8:44
1:40

Ito ang sinabi ng Panginoon patungkol sa mga yaong nakahanda para sa piging ng kasal “Sila na matatalino at nakatamo ng katotohanan, at tinanggap ang Banal na Espiritu bilang kanilang patnubay, at hindi mga nalinlang—katotohanang sinasabi ko sa inyo, sila ay hindi puputulin at itatapon sa apoy, kundi mananatili sa araw na yaon” (Doktrina at mga Tipan 45:57).

Five of Them Were Wise [Lima sa Kanila’y Matatalino], ni Walter Rane

Nagsalita rin si Pangulong Nelson tungkol sa kahalagahan ng pagtanggap ng Espiritu Santo bilang ating gabay:

Pangulong Russell M. Nelson

Sa darating na mga araw, hindi magiging posible na espirituwal na makaligtas kung walang patnubay, tagubilin, at nakapagpapanatag na impluwensya ng Espiritu Santo. …

Nakikiusap ako sa inyo na dagdagan ang inyong espirituwal na kakayahan na tumanggap ng paghahayag. (“Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 96)

icon, isulat

Isulat ang Iyong mga Naisip

Isulat ang iyong sagot sa sumusunod na tanong mula kay Pangulong Oaks: “Kung alam [mong] haharap [ka] sa Panginoon bukas—sa maagang pagkamatay [mo] o sa di-inaasahang pagdating Niya—ano ang gagawin [mo] ngayon?” (“Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Liahona, Mayo 2004, 9).