“Lesson 9 Materyal ng Titser: Nagagalak sa Banal na Pagsilang ni Jesucristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)
“Lesson 9 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo
Lesson 9 Materyal ng Titser
Nagagalak sa Banal na Pagsilang ni Jesucristo
Tulad ng ipinahayag ng isang anghel, ang pagsilang ni Jesucristo ang dahilan ng “malaking kagalakan” (Lucas 2:10). Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong ipaliwanag kung bakit mahalaga ang mga natatanging magulang ni Jesucristo sa pagiging Tagapagligtas Niya. Aanyayahan din ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang nadarama tungkol sa banal na pagmamahal na ipinakita ng pagpapakababa ng Diyos at kung paano makaiimpluwensya ang pagmamahal na iyan sa mga pagpiling ginagawa nila.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Nalaman ni Maria na magiging ina siya ng Anak ng Diyos.
Idrowing sa pisara ang sumusunod na diagram, at anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng mga katangiang namana nila sa kanilang mga magulang.
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Lucas 1:30–35 at alamin kung paano inilarawan ng anghel na si Gabriel ang anak na isisilang ni Maria.
Idrowing ang kalakip na diagram sa pisara.
Upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan ang kahalagahan ng mga natatanging magulang ni Jesucristo, maaari mong itanong ang ilan sa mga sumusunod:
-
Anong mga natatanging katangian ang namana ni Jesucristo kay Maria? sa Ama sa Langit?
-
Paano nauugnay ang mga natatanging magulang ni Jesucristo sa Kanyang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli? (Bilang bahagi ng talakayan, maaari mong rebyuhin sa mga estudyante ang Juan 10:17–18 at ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanang tulad ng sumusunod: Dahil sa Kanyang mga natatanging magulang, si Jesucristo ay may kapangyarihang magbayad-sala para sa ating mga kasalanan at ialay ang Kanyang buhay at kunin itong muli.)
Upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan nang mas malalim ang doktrinang ito, maaari mong sabihin sa kanila na isulat ang kanilang mga naisip at impresyon tungkol sa mga tanong na ito:
-
Ano ang maituturo sa inyo ng dalawang katangiang ito ni Jesucristo tungkol sa Kanyang kakayahang makaugnay sa inyo sa mortalidad?
-
Paano nauugnay sa isa’t isa at sa inyo ang mga parirala sa pangungusap na ito mula sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” (makukuha sa SimbahanniJesucristo.org): “[Si Jesucristo] ang Panganay ng Ama, ang Bugtong na Anak sa laman, ang Manunubos ng daigdig”?
Nakita ni Nephi sa pangitain ang pagpapakababa ng Diyos.
Maaari mong idispley ang mga sumusunod na larawan ni Jesus bilang Tagapaglikha ng daigdig, bilang isang walang-lakas na sanggol, at bilang nilalang na nakapako sa krus. Itanong sa mga estudyante kung ano ang itinuturo ng mga larawang ito tungkol sa pagpapakababa ni Jesucristo. Kung kinakailangan, basahin ang kahulugan ng pagpapakababa na matatagpuan sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.
Upang maipagpatuloy ang talakayang ito, maaari mong ayusin ang mga estudyante sa maliliit na grupo at bigyan ang bawat grupo ng kopya ng sumusunod na handout.
Matapos ang sapat na oras para sa talakayan, maaari ninyong ipahayag at ibahagi ang inyong nadarama tungkol sa sumusunod na pahayag: Ang pagpapakababa ni Jesucristo ay nagpapakita ng pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa bawat isa sa atin.
-
Ano ang matututuhan natin mula sa Tagapagligtas sa Kanyang halimbawa ng pagpapakababa upang tulungan ang pinakamaliit sa atin? (Kung kinakailangan, maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang pahayag ni Bishop Richard C. Edgley sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda. Maaari ding pag-isipan sandali ng mga estudyante kung paano nila matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas kapag hinangad nilang magministeryo at maglingkod sa lahat ng anak ng Ama sa Langit.)
Ipaalala sa mga estudyante na sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda, inanyayahan silang magbasa o makinig sa mga titik ng mga himno na naglalahad ng tungkol sa pagpapakababa ng Tagapagligtas. Maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang isa sa mga himno at pagkatapos ay ibahagi sa klase ang mga salita at parirala mula sa himno na lubos na nakaantig sa kanila. Kung may oras pa, maaari din ninyong kantahin nang magkakasama ang isa o dalawang talata mula sa mga himnong ito.
Upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang natutuhan at nadama nila sa klase, sabihin sa kanila na pagnilayan at isulat ang kanilang mga sagot sa sumusunod na tanong o sa tanong na pinili mo:
-
Ano ang maaari mong gawin upang maipakita sa Tagapagligtas ang iyong pasasalamat para sa Kanyang kahandaang magpakababa upang matubos at maligtas ka Niya?
Para sa Susunod
Upang maipaalala sa mga estudyante na pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa susunod na klase, maaari mong ipadala ang sumusunod na mensahe o ang isa sa ginawa mong mensahe: Ano ang prayoridad ng Tagapagligtas sa iyong buhay sa linggong ito? Isipin kung paano makatutulong sa iyo ang materyal sa paghahanda para sa lesson 10 upang masagot ang tanong na ito.