“Lesson 22 Materyal ng Titser: Pakikiisa kay Jesucristo sa Patuloy na Pagpapanumbalik,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)
“Lesson 22 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo
Lesson 22 Materyal ng Titser
Pakikiisa kay Jesucristo sa Patuloy na Pagpapanumbalik
Pinatotohanan ni Pangulong Russell M. Nelson: “Saksi tayo sa proseso ng pagpapanumbalik. Kung inaakala ninyo na lubos nang naipanumbalik ang Simbahan, simula pa lang ang nakikita ninyo. Napakarami pang mangyayari” (“Latter-day Saint Prophet, Wife and Apostle Share Insights of Global Ministry,” Okt. 30, 2018, newsroom.ChurchofJesusChrist.org). Sa lesson na ito, matutukoy ng mga estudyante ang ginagawa o magagawa nila para makabahagi sa patuloy na Pagpapanumbalik. Isasaalang-alang din nila ang tulong na matatanggap nila mula sa Tagapagligtas kapag ginagawa nila ang Kanyang gawain.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Pinamamahalaan ni Jesucristo ang gawain ng patuloy na Pagpapanumbalik.
Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Nelson:
Saan man kayo naninirahan o anuman ang inyong mga kalagayan, ang Panginoong Jesucristo ay inyong Tagapagligtas, at ang propeta ng Diyos na si Joseph Smith ay inyong propeta. Siya ay inordenan bago pa ang pagkakatatag ng mundo na maging propeta ng huling dispensasyong ito, kung kailan “walang anumang bagay ang ipagkakait” mula sa mga Banal. Patuloy na dumadaloy ang paghahayag mula sa Panginoon sa patuloy na prosesong ito ng pagpapanumbalik.
Ano ang ibig sabihin para sa inyo na naipanumbalik na sa mundo ang ebanghelyo ni Jesucristo? (“Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 88; idinagdag ang pagbibigay-diin)
Anyayahan ang ilang estudyante na sagutin ang tanong ni Pangulong Nelson at ibahagi kung ano ang kahulugan sa kanila ng Pagpapanumbalik. Pagkatapos ay maaari mong itanong:
-
Ano ang ibig sabihin para sa inyo ng ang Pagpapanumbalik ay isang patuloy na proseso?
Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng patuloy na Pagpapanumbalik. (Maaaring makatulong na rebyuhin ang pahayag ni Elder LeGrand R. Curtis Jr. sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda at ibahagi ang isa o dalawang halimbawang natukoy ninyo.) Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaari kang huminto at magtanong ng mga follow-up na tanong, tulad ng mga ito:
-
Paano nakatulong sa inyo o sa isang kakilala ninyo ang [halimbawa ng estudyante] para mas mapalapit kay Jesucristo?
-
Sa inyong palagay, paano makatutulong ang [halimbawa ng estudyante] sa paghahanda natin para sa Ikalawang Pagparito?
-
Paano napalakas ng [halimbawa ng estudyante] ang inyong patotoo na ito ang gawain ng Panginoon?
Upang matulungan ang mga estudyante na mas lubos na mapahalagahan ang kahalagahan ng pagtitipon ng Israel sa patuloy na Pagpapanumbalik, maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Nelson: “[Ang] pagtitipon [ng Israel] ang pinakamahalagang bagay na nangyayari sa mundo ngayon” (Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], suplemento sa New Era at Liahona, 8, ChurchofJesusChrist.org).
Sabihin sa mga estudyante na mag-ukol ng ilang minuto para rebyuhin ang bahagi 2 ng materyal sa paghahanda at alamin ang mga dahilan kung bakit napakahalaga ng pagtitipon ng Israel. Pagkatapos ay maaari mong ipasadula sa kanila nang may kapartner o sa buong klase kung paano sila tutugon sa isa o mahigit pa sa mga sumusunod na sitwasyon:
Pagtapos ng pagsasadula maaari mong ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Maaari kang maglaan ng oras para maisulat ng mga estudyante ang kanilang mga naisip tungkol sa mga sumusunod na tanong:
-
Paano ninyo ilalarawan ang inyong mga ginagawa para isulong ang gawain ng Panginoon sa patuloy na Pagpapanumbalik?
-
Ano ang maiaambag ninyo ngayon para maisulong ang Kanyang gawain? (Maaari ninyong rebyuhin ang pahayag ni Pangulong Bonnie H. Cordon sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)
Ang Tagapagligtas ay gumagawang kasama natin kapag ginagawa natin ang Kanyang gawain.
Maaari mong ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:
-
Ano ang maipapayo ninyo kay Maria?
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Jacob 5:70–72, Doktrina at mga Tipan 38:7, at Doktrina at mga Tipan 49:27 at hanapin ang isang alituntunin na makatutulong kay Maria. Maaaring matukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kapag ginagawa natin ang gawain ng Panginoon, Siya ay nasa gitna natin at gumagawang kasama natin.
-
Paano makatutulong kay Maria ang kaalamang kasama nating gumagawa ang Tagapagligtas? Paano makatutulong sa inyo ang kaalamang ito?
-
Bakit mahalagang malaman na kasama ng Tagapagligtas ang Ama noong Kanyang mortal na ministeryo? (Maaari mong rebyuhin ang pahayag ni Elder Kim B. Clark sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda para matulungan ang mga estudyante na masagot ang tanong na ito.)
-
Kailan ninyo nadama na nakatitiyak kayo na kasama ninyo ang Ama sa Langit at si Jesucristo nang ginawa ninyo ang Kanilang gawain?
Maaaring pagnilayan ng mga estudyante ang kahandaan ng Tagapagligtas na gumawa kasama nila habang ginagawa nila ang Kanyang gawain. Habang nagninilay-nilay sila, maaari mong idispley ang sumusunod na naka-bullet na listahan at ipabasa sa mga estudyante ang piniling talata para sa bawat himno. Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang naisip at nadama nila tungkol sa nabasa nila.
-
“Magpatuloy Tayo” (Mga Himno, blg. 148), talata 3
-
“Tayo ay Kasapi” (Mga Himno, blg. 152), talata 3
-
“Ang Paglipas ng Panahon” (Mga Himno, blg. 167), talata 4
-
“Tutungo Ako Saanman” (Mga Himno, blg. 171), talata 3
Para tapusin ang klase, maaari mong hilingin sa isa o dalawang estudyante na ibahagi ang karanasan nila na nauugnay sa katotohanang ito: Kapag ginagawa natin ang gawain ng Panginoon, Siya ay nasa gitna natin at gumagawang kasama natin.
Para sa Susunod
Maaari mong hikayatin ang mga estudyante ilang araw bago ang susunod na klase na pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa lesson 23. Maaari mong ipadala ang sumusunod na mensahe: Panoorin ang “Prepare for the Second Coming [Maghanda para sa Ikalawang Pagparito]” (1:00), at isipin kung paano makatutulong sa iyo ang materyal sa lesson 23 na maghanda para sa pagbabalik ni Jesucristo.