“Lesson 24 Materyal ng Titser: Pagtitiwala kay Jesucristo bilang Ating Hukom,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)
“Lesson 24 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo
Lesson 24 Materyal ng Titser
Pagtitiwala kay Jesucristo bilang Ating Hukom
Sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” mababasa natin, “Bawat isa sa atin ay tatayo upang hatulan Niya [ating Tagapagligtas] ayon sa ating mga gawa at naisin ng ating mga puso” (SimbahanniJesucristo.org). Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maipaliwanag kung bakit lubos nating mapagkakatiwalaan si Jesucristo bilang ating hukom. Magkakaroon din sila ng pagkakataong alamin kung ano ang magagawa nila para makapaghanda para sa Huling Paghuhukom.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Si Jesucristo ang ating hukom.
Ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:
Kunwari ay may kaibigan ka na inakusahan ng mabigat na krimen. Kilala mo rin ang biktima ng krimen. Pareho mong mahal ang dalawang taong ito.
-
Kung maaari kang pumili ng isang hukom para sa iyong kaibigan, anong mga katangian ang pinakagusto mong taglayin ng hukom?
-
Ano ang ipag-aalala mo kung kulang ang hukom ng isa o mahigit pa sa mga katangiang natukoy natin? (Halimbawa, paano kung ang hukom ay mahabagin ngunit hindi makatarungan o makatarungan ngunit hindi mahabagin?)
Ipaalala sa mga estudyante na inanyayahan silang maghanda para sa klase sa pamamagitan ng pagtukoy ng isang katangian mula sa buhay ng Tagapagligtas na nagpapakita na mapagkakatiwalaan natin Siya bilang isang mabuting hukom. Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para rebyuhin ang katangiang natukoy nila o, kung kinakailangan, para makatukoy ng isang katangian. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na bumuo ng maliliit na grupo at ibigay sa kanila ang sumusunod na handout.
Si Jesucristo ang “Tapat na Hukom” (2 Timoteo 4:8)
Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo—Lesson 24
Basahin nang malakas ang Mga Awit 9:8 at 96:11–13. Pagkatapos ay anyayahan ang bawat miyembro ng grupo na magbahagi ng isang katangian mula sa buhay ng Tagapagligtas na nagpapakita na hinahatulan ni Jesucristo ang lahat ng tao nang may katarungan. Sa pagbabahagi mo ng mga katangian, maaari mong talakayin ang mga sumusunod na tanong:
-
Paano maaaring makaapekto ang katangiang ito sa paghatol ni Jesucristo sa atin?
-
Sa paanong paraan nadaragdagan ng katangiang ito ang iyong pagtitiwala sa angkop na kakayahan ng Tagapagligtas na maging hukom mo?
Matapos matukoy ang mga partikular na katangian, talakayin kung paano naiiba si Jesucristo sa lahat ng hukom sa mundo. (Maaari mong rebyuhin ang mga pahayag nina Pangulong Dallin H. Oaks at Richard G. Scott sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.) Maaari mo ring talakayin kung bakit mahalaga na taglay ng Tagapagligtas ang lahat ng katangiang ito bilang ating hukom.
© 2023 ng Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.
Si Jesucristo ang “Tapat na Hukom” (2 Timoteo 4:8)
Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo—Lesson 24
Matapos magbigay ng sapat na oras para sa talakayan, maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang nadarama nila tungkol kay Jesucristo bilang kanilang hukom.
Hahatulan tayo ni Jesucristo ayon sa ating mga gawa at sa mga hangarin ng ating puso.
Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral
Malinaw na ipahayag ang mga totoong alituntunin. Itinuro ni Elder B. H. Roberts, dating Pitumpu, na, “Upang malaman, ang katotohanan ay dapat ipahayag at kapag mas malinaw at mas kumpleto ang pahayag, magkakaroon ng mas magandang pagkakataon ang Banal na Espiritu na magpatotoo sa mga kaluluwa ng tao na ang gawain ay totoo” (sa James E. Faust, “What I Want My Son to Know before He Leaves on His Mission,” Ensign, May 1996, 41). Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong matukoy at maipahayag ang mga totoong alituntunin na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga makabagong propeta.
Sabihin sa mga estudyante na tahimik na rebyuhin ang Apocalipsis 20:12 at Doktrina at mga Tipan 137:9 at itala ang katotohanan kung paano tayo hahatulan. Ipabahagi sa dalawang estudyante ang katotohanang natukoy nila. Gamit ang mga ideya ng mga estudyante, maaari mong isulat sa pisara ang katotohanang katulad ng sumusunod Bawat isa sa atin ay tatayo sa harapan ng Panginoon at hahatulan ayon sa ating mga gawa at mga hangarin ng ating puso. Para mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante, maaari mong itanong ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod:
-
Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang ating mga gawa sa Huling Paghuhukom? (Ipaliwanag na maaaring kabilang sa mga gawa ang pagsunod sa mga kautusan, pagtanggap ng mga ordenansa, pagtupad sa mga tipan, pagsisisi, at paglilingkod sa iba.)
-
Sa inyong palagay, bakit hahatulan din tayo ayon sa ating mga iniisip at sa mga hangarin ng ating puso? (Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Oaks: “Ang mga hangarin na sinisikap nating kamtin ang batayan ng ating pagbabago, ating tagumpay, at ating kahihinatnan”[“Hangarin,” Liahona, Mayo 2011, 42].)
-
Bakit mahalagang palaging suriin kung paano naiimpluwensyahan ng ating mga hangarin, salita, at kilos ang magiging kahihinatnan natin? (Maaari ninyong rebyuhin ang pahayag ni Pangulong Oaks sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)
Ipaalala sa mga estudyante na nagtanong ang Nakababatang Alma ng nakapupukaw na mga katanungan na makatutulong sa atin na malaman kung ano ang magiging kinahihinatnan natin. Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Alma 5:15–16, 19, 26–27 at pag-isipan ang kahit isang tanong na pinakanauugnay sa kanilang buhay. Matapos ang sapat na oras para sa tahimik na pagninilay, hikayatin ang isa o dalawang estudyante na ibahagi kung paano nakatulong o makatutulong sa kanila ang pag-uukol ng oras para tapat na masuri ang sarili upang maging higit na katulad ng Tagapagligtas.
Tulad ng iminungkahi ni Alma, sabihin sa mga estudyante na ilarawan sa isipan na nakatayo sila sa harapan ng Diyos upang hatulan.
-
Ano kaya ang madarama ninyo sa sandaling ito? Bakit?
-
Sino ang pinakagusto ninyong makasama?
-
Bakit mahalagang maunawaan na bukod pa sa pagiging hukom natin, si Jesucristo ay Tagapamagitan din natin sa Ama? (Maaari ninyong rebyuhin ang ibig sabihin ng si Jesucristo ang ating tagapamagitan [tingnan sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda].)
Basahin nang malakas ang Doktrina at mga Tipan 45:3–5, at sabihin sa mga estudyante na ilarawan sa isipan na nagsusumamo si Jesucristo para sa kanila.
-
Ano kaya ang mararamdaman ninyo habang pinakikinggan ninyong isinasamo ni Jesucristo ang inyong kapakanan sa harapan ng Ama sa Langit? (Maaari ninyong rebyuhin ang sinabi ni Elder Dale G. Renlund sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda upang matiyak na nauunawaan ng mga estudyante na hindi sinasalungat ng Tagapagligtas bilang ating Tagapamagitan ang kalooban ng Ama.)
-
Paano naghahatid ng pag-asa ang pag-unawa at pagtanggap sa ginagampanan ng Tagapagligtas bilang ating Tagapamagitan sa isang taong nakadarama na hindi siya kailanman magiging sapat na mabuti para makabalik sa piling ng Diyos?
-
Ano ang magagawa ninyo ngayon para maipakita sa Panginoon na nais ninyo Siya na maging inyong Tagapamagitan?
Maaari mong patotohanan na hindi lamang mamamagitan para sa atin ang Panginoon sa Huling Paghuhukom kundi handa rin Siyang maging Tagapamagitan natin ngayon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29:5–6). Isasamo Niya ang ating kapakanan kapag humingi tayo ng tulong sa Kanya.
![](https://www.churchofjesuschrist.org/imgs/https%3A%2F%2Fassets.churchofjesuschrist.org%2F63%2F19%2F6319ec99092cf985439f27da1b10ea1ca18bbbec%2F6319ec99092cf985439f27da1b10ea1ca18bbbec.jpeg/full/!250,/0/default)
Para sa Susunod
Upang mahikayat ang mga estudyante na basahin ang materyal sa paghahanda bago ang susunod na klase, maaari mong ipadala ang mensaheng katulad ng sumusunod: Habang pinag-aaralan mo ang materyal sa paghahanda para sa lesson 25, itanong sa sarili: Ano ang impluwensya ng pagiging disipulo ko sa araw-araw sa aking walang hanggang tadhana?