Institute
Lesson 6 Materyal ng Titser: Paggamit ng Simbolismo upang Mas Maunawaan ang Nakatutubos na Kapangyarihan ni Cristo


“Lesson 6 Materyal ng Titser: Paggamit ng Simbolismo upang Mas Maunawaan ang Nakatutubos na Kapangyarihan ni Cristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)

“Lesson 6 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo

Lesson 6 Materyal ng Titser

Paggamit ng Simbolismo upang Mas Maunawaan ang Nakatutubos na Kapangyarihan ni Cristo

Ang mga banal na kasulatan ay puno ng mga simbolo ni Jesucristo at ng Kanyang ebanghelyo. Bago pa man Siya isinilang, tinutulungan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga tao na maunawaan kung sino Siya at bakit nila kailangan Siya. Tutuklasin sa lesson na ito ang mga simbolo sa banal na kasulatan na magpapalakas sa ating pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang ginagampanan bilang ating Manunubos.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Paghikayat ng makabuluhang talakayan. Ang mga titser ay makahihikayat ng makabuluhang talakayan kapag lumilikha sila ng kapaligiran sa pag-aaral na may pagmamahal at pagtitiwala upang madama ng mga estudyante na ligtas silang magtanong, talakayin ang kanilang mga pagdududa at takot, magbahagi ng mga personal na karanasan, at magpatotoo.

1:53

Itinuro ng Panginoon ang pag-aalay ng hayop upang patotohanan ang Kanyang nakatutubos na kapangyarihan.

Magdrowing o magdispley ng larawan ng puso (o iba pang karaniwang simbolo) sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga bagay na maaaring isimbolo ng puso. Ipaliwanag na ang mga banal na kasulatan ay gumagamit ng mga simbolo upang magpatotoo tungkol kay Jesucristo (tingnan sa 2 Nephi 11:4). Maaari mo ring ipatukoy sa mga estudyante ang ilang halimbawa ng mga simbolo na nagtuturo tungkol kay Cristo.

Rebyuhin nang maikli o ipabuod sa isang estudyante ang konteksto para sa kalakip na larawan nina Adan at Eva. Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Moises 5:4–8 at tukuyin ang mga simbolo sa larawang ito.

Similitude [Kahalintulad], ni Walter Rane

Upang mapalalimin ang pag-unawa ng mga estudyante tungkol sa simbolismo sa larawang ito, itanong ang mga sumusunod:

  • Anong mahahalagang katotohanan ang itinuro tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng mga simbolo ng kordero, dambana, at pagbubuhos ng dugo? (Maaari mong rebyuhin ang pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Tulungan ang mga estudyante na matuklasan ang katotohanang tulad ng sumusunod: Ang pag-aalay ng panganay na kordero ay sumisimbolo sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo.)

  • Anong mga simbolo ang ginagamit natin ngayon para maalala natin ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas?

Paalala: Kung nagpapahayag ng lungkot ang mga estudyante sa pag-aalay ng mga hayop, ipaalala sa kanila na karamihan sa mga tao sa Lumang Tipan ay naninirahan sa kabukiran, kung saan karaniwan na ang pag-aalaga ng mga hayop na pinapatay para sa pagkain. Ipaliwanag na ginagamit ng Panginoon ang karanasan ng mga tao sa araw-araw upang ituro ang matitinding aral tungkol sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.

Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng maraming simbolo na nagpapatotoo sa banal na misyon ni Jesucristo.

Paalala: Ang bahaging ito ay naglalaman ng dalawang opsiyon sa pagtuturo. Magpasiya kung aling opsiyon ang pinakamainam para sa iyong mga estudyante. Ang opsiyon 1 ay talakayan na ginagabayan ng titser.

Opsiyon 1: Ang Simbolismo ng Paskuwa

Depende sa kaalaman ng iyong mga estudyante, maaaring mahalagang rebyuhin nang maikli ang mga pangyayaring humantong sa Paskuwa at pagkatapos ay sama-samang basahin ang Exodo 12:3–13.

2:3

Upang mabigyan ang mga estudyante ng pagkakataong talakayin ang kahulugan ng mga simbolo ng Paskuwa, maaari mo silang pagawain sa maliliit na grupo at kumpletuhin o talakayin ang bahaging “Mga Posibleng Kahulugan” ng chart na “Ang Simbolismo ng Paskuwa” na matatagpuan sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda. O maaari kang mag-assign ng isang simbolo sa bawat grupo at sabihin sa kanila na basahin ang mga suportang banal na kasulatan, itala ang posibleng kahulugan ng kanilang simbolo, at pagkatapos ay ibahagi sa klase ang natutuhan nila.

Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga ideya tungkol sa mga simbolo ng Paskuwa, maaari kang magbigay ng mga follow-up na tanong na makatutulong sa kanila na ipamuhay ang kahulugan ng mga simbolo. Ang mga follow-up na tanong na ito ay maaaring magsimula nang ganito:

  • Ano ang itinuturo sa atin ng simbolong ito tungkol sa …

  • Paano magagamit ang kahulugan ng simbolong ito …

  • Kailan ninyo nakita …

Pagkatapos ng inyong talakayan, sabihin sa mga estudyante na isulat ang natutuhan o nadama nila tungkol sa Tagapagligtas, o ang kaugnayan nila sa Kanya, mula sa mga simbolo ng Paskuwa. Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyanteng gustong magbahagi sa klase ng isinulat nila.

Para sa Reperensya ng Titser

Simbolismo ng Paskuwa

Talata

Simbolo

Mga Posibleng Kahulugan

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Talata

3

Simbolo

Bawat bahay ay nag-alay ng isang kordero

Mga Posibleng Kahulugan

Ang nakatutubos na kapangyarihan ni Jesucristo ay para sa lahat.

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

2 Nephi 26:25–28, 33

Talata

5

Simbolo

Lalaking kordero na walang kapintasan

Mga Posibleng Kahulugan

Ang Tagapagligtas ang Kordero ng Diyos, perpekto at walang kasalanan.

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Juan 1:29; Mga Hebreo 5:8–9

Talata

7

Simbolo

Ang dugo ay ipapahid sa mga haligi ng pinto ng bawat bahay

Mga Posibleng Kahulugan

Sa pamamagitan ng tipan magagamit natin ang dugo ni Cristo upang madaig ang espirituwal na kamatayan. Ang dugo ni Cristo ay tumutubos at nagpoprotekta sa atin.

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Mosias 4:2; Alma 5:21

Talata

8

Simbolo

Tinapay na walang pampaalsa (tinapay na ginawa nang walang pampaalsa, na nagdudulot ng pagkasira at amag sa tinapay)

Mga Posibleng Kahulugan

Si Jesus ang Tinapay ng Buhay. Wala Siyang kapintasan.

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Juan 6:35, 48, 57–58; 1 Corinto 5:7–8

Talata

8

Simbolo

Mapapait na Gulay

Mga Posibleng Kahulugan

Nabubuhay tayo sa mundong puno ng kasamaan at daranas tayo ng kapaitan ng kasalanan.

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Alma 41:11; Doktrina at mga Tipan 19:18

Talata

11

Simbolo

May bigkis ang baywang, suot ang mga sandalyas sa mga paa, hawak ang tungkod, at madaliin ang pagkain

Mga Posibleng Kahulugan

Ang nakatutubos na kapangyarihan ni Cristo ay dapat gamitin nang walang pagpapaliban.

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Alma 34:32–33

  • Paalala: Ang mga suportang scripture passage ay nilayong magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga simbolo na ginamit sa Paskuwa at hindi nilayong magbigay ng tiyak na mga interpretasyon ng mga ito.

Opsiyon 2: Mga Simbolo ni Cristo sa Lumang Tipan

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay itanong:

  • Paano napalakas, o mapalalakas, ng pagtingin sa mga simbolo ni Jesucristo ang inyong pananampalataya sa Kanya?

Magpatotoo na marami pa tayong matututuhan tungkol kay Jesucristo kapag naunawaan natin ang mga matalinghagang paglalarawan, halimbawa, at simbolo na nagpapatotoo tungkol sa Kanya.

Rebyuhin ang apat na scripture passage ng Lumang Tipan na nakatala sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Sabihin sa mga estudyante na bumuo ng maliliit na grupo kasama ang iba pang mga estudyante na gustong talakayin ang parehong scripture passage na pinakagusto nilang talakayin. Pagkatapos ay sabihin sa bawat grupo na basahin at talakayin nang magkakasama ang mga tanong sa pag-aaral na matatagpuan sa bahagi 3.

Matapos ang sapat na oras para sa makabuluhang talakayan, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang natutuhan o nadama nila tungkol kay Jesucristo bilang resulta ng talakayan nila sa maliit na grupo.

Para sa Susunod

Bago ang susunod na klase, maaari mong padalhan ng mensahe ang mga estudyante at itanong: Naisip na ba ninyo kung paano maaaring maging makatarungan ang Diyos ngunit maawain at mapagmahal din? Habang binabasa ninyo ang materyal sa paghahanda para sa lesson 7, isipin ang pagkakaugnay ng mga banal na katangian na katarungan, awa, at pagmamahal.