“Lesson 23 Materyal ng Titser: Pamumuhay nang May Pag-asa habang Naghahanda Tayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)
“Lesson 23 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo
Lesson 23 Materyal ng Titser
Pamumuhay nang May Pag-asa habang Naghahanda Tayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
Si Jesucristo ay “babalik … muli sa mundo. … [at] mamamahala … bilang Hari ng mga Hari at maghahari bilang Panginoon ng mga Panginoon” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” SimbahanniJesucristo.org). Sa lesson na ito, ipaliliwanag ng mga estudyante kung bakit makaaasam sila nang may pag-asa sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Mag-iisip din sila ng mga paraan na maihahanda nila ang kanilang sarili at ang iba para sa pagbabalik ng Tagapagligtas at paghahari Niya sa milenyo.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas ang magpapasimula sa Milenyo.
Bago dumating ang mga estudyante sa klase, maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod: Ilang palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Panginoon: mga bulaang Cristo, mga bulaang propeta, digmaan, alingawngaw ng mga digmaan, taggutom, salot, lindol, kasamaan, mapangwasak na karamdaman, karahasan, at mga palatandaan sa kalangitan (tingnan sa Joseph Smith—Mateo 1:22–23, 28–30, 33; Doktrina at mga Tipan 45:26–27, 30–33, 40–42).
Para masimulan ang klase maaari mong ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:
-
Nadama na ba ninyo ang naramdaman ni Evan?
-
Ano kaya ang nawawala sa talakayang ito sa klase?
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 45:34–35, 38–39, at alamin ang payo ng Panginoon sa mga taong nababagabag sa mga palatandaan ng Kanyang pagparito. Pagkatapos ay isipin kung alin sa mga sumusunod ang maaari mong itanong para matulungan ang iyong mga estudyante na makadama ng higit na pag-asa:
-
Ano ang mensahe ng Tagapagligtas sa mga disipulo na nababagabag tungkol sa mga palatandaan ng Kanyang pagparito? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad ng sumusunod: Ang mga palatandaan ng pagparito ng Panginoon ay nagpapahiwatig sa matatapat na malapit na ang Kanyang Ikalawang Pagparito.) Paano magiging mensahe ng pag-asa ang katotohanang ito?
-
Anong mga pangyayari sa Pagpapanumbalik ang mga palatandaan na malapit na ang Ikalawang Pagparito? (Maaari mong rebyuhin ang mga halimbawang matatagpuan sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Maaari ka ring magdagdag sa listahan sa pisara.) Paano naiimpluwensyahan ng mga palatandaan at pangyayaring ito ang pananaw ninyo sa mga huling araw?
-
Bakit mahalagang magtuon kay Jesucristo kapag pinag-uusapan natin ang mas nakababagabag na mga palatandaang nauugnay sa Ikalawang Pagparito? (Maaari ninyong rebyuhin ang pahayag ni Elder Ronald A. Rasband sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.) Paano nakaimpluwensya ang pagtutuon kay Jesucristo, o paano ito makaiimpluwensya, sa pananaw ninyo sa mga hamon sa mga huling araw?
Ipaalala sa mga estudyante na ang Ikalawang Pagparito ang magpapasimula sa paghahari ng Tagapagligtas sa kapayapaan at kabutihan sa milenyo. Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 101:26–32, 35 at alamin ang mga kalagayan na makikita sa Milenyo. Maaari mong ilista sa pisara ang natuklasan nila.
-
Alin sa mga kalagayang ito ang pinakainaasam ninyo? Bakit?
Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen:
Walang nakagaganyak sa hangarin kong magsalita tungkol kay Cristo nang higit kaysa ilarawan sa aking isipan ang Kanyang pagbabalik. … Magiging malaking impluwensya ang karanasang ito sa ating kaluluwa magpakailanman. (Neil L. Andersen, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo,” Liahona, Nob. 2020, 91)
Sabihin sa mga estudyante na ilarawan sa isipan ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas at ang Milenyo. Habang inilalarawan nila ito sa kanilang isipan, sabihin sa kanila na isulat ang kanilang mga naiisip at nadarama bilang sagot sa sumusunod na tanong:
-
Paano makatutulong sa inyo ang pag-iisip tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas at sa Milenyo upang mamuhay nang may higit na pag-asa at kapayapaan?
Maaari mong sabihin sa isa o dalawang estudyante na ibahagi sa klase kung ano ang isinulat nila.
Itinuro sa atin ng Panginoon kung paano maghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito.
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang talinghaga tungkol sa sampung birhen sa Mateo 25:1–13. Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang mga birhen o dalaga ay kumakatawan sa mga miyembro ng Simbahan (tingnan sa Dallin H. Oaks, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Liahona, Mayo 2004, 8).
Upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan nang malalim ang kaugnayan ng talinghaga, maaari mo silang hatiin sa maliliit na grupo (dalawa hanggang tatlong tao) para magtalakayan. Bigyan ang bawat grupo ng handout na “Ang mga Hangal na Birhen” o “Ang Matatalinong Birhen.” Ipaalam sa mga estudyante na pagkatapos nilang magtalakayan, sasama sila sa isang grupo na tumalakay sa isa pang paksa at ibabahagi ang natutuhan nila sa isa’t isa.
Kapag nagkaroon na ng sapat na oras ang mga estudyante na talakayin ang kanilang mga paksa, sabihin sa bawat grupo na sumama sa isang grupo na tinalakay ang isa pang paksa para ibahagi ang mga halimbawang natukoy nila.
Matapos bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na makumpleto ang pangalawang talakayan sa grupo, maaari mong anyayahan ang isa o dalawang estudyante na ibahagi ang natutuhan nila. Maaari mong isulat o ipakita ang isang katotohanang natukoy nila, tulad ng sumusunod: Makapaghahanda ako para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapalakas ng aking patotoo at pagtanggap ng Espiritu Santo bilang gabay ko.
Sa pagtatapos ng klase, bigyan ang mga estudyante ng ilang oras na maisulat ang kanilang mga naiisip at nadarama kung paano nila pinakamainam na maihahanda ang kanilang sarili at ang iba para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.
Para sa Susunod
Sa buong linggo, maaari mong ipadala sa mga estudyante ang sumusunod na mensahe o ang isang mensahe na ginawa mo: Habang pinag-aaralan mo ang lesson 24 tungkol sa Huling Paghuhukom, isipin kung ano ang magagawa mo para maging maluwalhati ang pangyayaring ito.