Ang Mahinahong Sagot
“Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni’t ang mabigat na salita ay humihila ng galit” (Mga Kawikaan 15:1).
-
Lizzie, ibalik mo iyan! Nilalaro ko iyan!
Ayoko!
-
Mga bata, tumigil kayo sa pag-aaway. Lizzie, pumasok ka muna sa kuwarto mo. Alice, gusto kitang makausap.
-
Siya po ang mali, Itay! Nilalaro ko po ang unicorn ko nang bigla niyang agawin. Palagi niyang sinisira ang araw ko.
Mahirap maging ate. Alam mo ba kung ano ang nakakatulong sa akin kapag nagagalit ako?
Ano po, Itay?
-
Isang talata sa Biblia. Sinasabi rito, “Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni’t ang mabigat na salita ay humihila ng galit.” Ibig sabihin nito kapag nagsalita ka nang magiliw at marahan, mas hihinahon ang mga galit na tao. Kapag nagsalita ka ng hindi maganda sa kanila o sinigawan sila, mas lalo pa silang magagalit.
-
Sa palagay po ba ninyo epektibo iyan kay Lizzie?
Sa susunod, subukan mo lang at tingnan ang mangyayari.
-
Gusto ko ang mga pakpak ng diwata!
-
Naalala ni Alice ang sinabi ng kanyang Tatay.
Lizzie, gusto mo bang isuot ang aking korona? Ikaw ang prinsesa, at ako ang magiging kaibigan mong diwata.
-
Sige, ako ang magandang prinsesa!
Halika na, kamahalan. Maglaro tayo!