Maliliit at mga Karaniwang Bagay
“At mula sa maliliit na bagay nagmumula ang yaong dakila” (D at T 64:33 ).
Nakilala at tinuruan ng mga misyonero ang aking lolo-sa-tuhod sa Samoa. Nang sumapi sa Simbahan, kinailangang talikuran ng lolo ko ang ilan sa mga lumang paniniwala at gawi sa relihiyon ng kanyang lipi. Ipinagmamalaki ng aming pamilya ang kaugalian ng mga taga-Samoa, ngunit dahil sa halimbawa ng lolo ko, natutuhan namin na unahin muna ang ebanghelyo.
Noong binatilyo pa ako, kinausap ako ng aking ama tungkol sa mga tato na karaniwan sa tribo at ilan sa mga popular na pagkaing maaaring hindi tugma sa mga turo ng Simbahan. Sabi ni Itay, “Huwag kang sasali sa anuman diyan. Isa kang anak ng Diyos bago ka naging Samoan, bago ka naging malaki at matipunong lalaki mula sa kapuluan.” Lagi kong tinatandaan iyan.
Ngayon ay nakatira kaming mag-asawa sa Costa Rica. May mga tradisyon at kultura ng kagandahang-asal dito, tulad sa ibang lugar, na hindi tugma sa itinuturo ng Simbahan. Kung minsan kailangan naming lakas-loob na talikuran ang mga gawing ito at bumaling sa mga turo ng ebanghelyo ni Jesucristo.
Morgan Sa Mataalii, Costa Rica
Kaliwa: larawan ng BYU Jerusalem Center na kuha ni D. Kelly Ogden; larawan ng baston na kuha ni John Luke; larawan ng Silver Buffalo Award na kuha ni Christina Smith