Quiz tungkol sa mga Pangulo ng Simbahan
Itugma ang bawat aytem sa ibaba sa Pangulo ng Simbahan kung kanino ito nauugnay.
-
Salamin sa mata. Isinuot ng Pangulong ito ng Simbahan sa pagbiyahe niya para bumisita sa mga bayan-bayan sa buong teritoryo ng Utah.
-
Sumbrero. Ang aytem na ito ay nagpapakita na kilala ang propetang ito sa kapinuhan ng anyo at pag-uugali.
-
Medalya ng Namumukod-tanging Serbisyo. Tinanggap ng Pangulong ito ng Simbahan ang award na ito para sa kanyang serbisyo bilang Secretary of Agriculture ng gabinete ni U.S. president Dwight D. Eisenhower.
-
Mga pambayad sa Welfare. Pinasimulan at pinamunuan ng Pangulong ito ang welfare program ng Simbahan noong panahon ng Matinding Kahirapan [Great Depression].
-
Sintadera (Upuan sa kabayo). Mahal ng propetang ito ang kanyang kabayong si Sonny Boy.
-
Journal. Ang propetang ito ay masigasig sa pag-iingat ng kasaysayan ng Simbahan, at ang kanyang mga talaan ay kabilang sa pinakamahahalagang kasaysayan ng Simbahan.
-
Larawan ng BYU Jerusalem Center. Ang Pangulong ito ng Simbahan ang nakipag-ayos para makabili ng lupa sa Jerusalem na pagtatayuan ng center.
-
Maliit na mikropono. Ginamit ng Pangulong ito ang bagay na ito, na nakakabit sa kanyang salamin sa mata, dahil ilang operasyon sa lalamunan sa paggamot sa kanser ang nakaapekto sa kanyang boses.
-
Baston. Gumamit ng baston ang Pangulong ito sa kanyang pagtanda, na malambing niyang ikinakaway para bumati sa mga grupo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Tithing slip. Binigyang-diin ng Pangulong ito ang mga turo ni Joseph Smith tungkol sa ikapu.
-
Fiddler on the Roof. Ang Pangulong ito ay mahilig sa literatura at maraming beses na binanggit ang klasikong ito.
-
Makinilya. Ang Pangulong ito ay isa sa mga pinakamalikhaing manunulat ng Simbahan.
-
Espada. Ang Pangulong ito ay naging kumander ng Nauvoo Legion.
-
Kuwintas na bulaklak. Ang propetang ito ay nagpunta sa Hawaii sa edad na 15 bilang isa sa mga unang misyonerong Banal sa mga Huling Araw doon.
-
Relong pambulsa. Ang aytem na ito ay suot ng propetang ito noong araw na paslangin siya sa Carthage Jail.
-
Scouting Silver Buffalo Award. Ang Pangulong ito ang unang pangunahing tagapagtaguyod ng Scouting sa Simbahan.
-
Joseph Smith Jr. (1805–44)
-
Brigham Young (1801–77)
-
John Taylor (1808–87)
-
Wilford Woodruff (1807–98)
-
Lorenzo Snow (1814–1901)
-
Joseph F. Smith (1838–1918)
-
Heber J. Grant (1856–1945)
-
George Albert Smith (1870–1951)
-
David O. McKay (1873–1970)
-
Joseph Fielding Smith (1876–1972)
-
Harold B. Lee (1899–1973)
-
Spencer W. Kimball (1895–1985)
-
Ezra Taft Benson (1899–1994)
-
Howard W. Hunter (1907–95)
-
Gordon B. Hinckley (1910–2008)
-
Thomas S. Monson (1927–)