2011
Ang Ating Pahina
Hunyo 2011


Ang Ating Pahina

Ang mga bata sa Primary ng Ville-Marie Ward, Montréal Québec Stake, at kanilang mga guro at lider ay nasiyahan sa pagbisita sa bakuran ng Montréal Québec Temple. Sila ay tahimik at mapitagan nang masaya silang binati ng temple presidency at inilibot sila sa bakuran. Nagustuhan nila ang makukulay na bulaklak at ang magandang templo. Nanood din sila ng pelikula tungkol sa templo, at bawat isa ay nakatanggap ng munting kard na may larawan ng templo.

Jeremiah P., edad 10, Samoa

Gustung-gusto ni Michael G. (kanan), edad 11, mula sa Panama, ang mga klase niya sa karate at nag-aaral na mabuti sa paaralan. Minsan siya ay naging “punong-guro sa loob ng isang araw” sa kanilang paaralan dahil sa matataas niyang grado.

Si Michael ay isa nang magiting na misyonero. Nang ang Simbahan ay nagkaroon ng information stand sa international fair na malapit sa kanyang tahanan, si Michael at ang kanyang mga magulang ay tumayo sa pasukan ng eksibit, namigay sa mga tao ng mga polyetong tungkol sa Simbahan, at inanyayahan sila na pumunta sa information stand ng Simbahan. Nagbigay rin siya ng pass-along card sa isang kaibigan ng pamilya, at tinuruan sila ng mga misyonero tungkol sa Simbahan. Inaasam niya na maging full-time na misyonero.

Isang Panalangin para sa Kapanatagan

Isang gabi dalawang beses akong nanaginip na nasusunog ang aming bahay at nasunog ang lahat. Matapos iyon takot na takot ako. Kaya’t nagdasal ako sa Ama sa Langit na hindi ko na ito mapanaginipan pa. Nang muli akong matulog, nanaginip ako na nasa isang magandang bukirin ako. Panatag na panatag ako, at hindi na ako takot.

Nivia Angelica A., edad 10, Mexico

Kanan: paglalarawan ni Adam Koford