2011
Sapat na Pera
Hunyo 2011


Mga Kabataan

Sapat na Pera

Nakilala ko ang mga misyonero noong 17 anyos ako. Magkasama kami noon ng kuya ko sa bahay. Pumanaw na ang aming ina isang taon bago iyon, at mahirap ang buhay. Nang turuan ako ng mga misyonero, nalaman ko na ang Simbahan ang matagal ko nang hinahanap. Ngunit ang impluwensya ng aking mga kaibigan ang humadlang sa pagsisimba ko tuwing Linggo.

Minsan nagpunta ako sa isang aktibidad sa Simbahan sa karaniwang araw. Tuwang-tuwa akong makita na lahat ng kabataan ay nagtatawanan at naglalaro. Sinamantala ng mga misyonero, pati ng mga kabataan, ang pagkakataong turuan ako tungkol sa ebanghelyo, at napakaganda ng pakiramdam ko kaya nagpasiya akong magpabinyag.

Pero kahit sumapi na ako sa Simbahan, naharap ako sa mga pagsubok. Ako lang ang miyembro ng Simbahan sa bahaging iyon ng bayan at malayo ang tirahan ko sa meetinghouse. Ayaw nang makisama sa akin ang mga kaibigan kong hindi miyembro. Kapag malungkot ako, nagdarasal ako at nadarama ko ang pagmamahal ng Panginoon.

Buwan-buwan, nakakatanggap ako ng kaunting pera mula sa pondong naiwan ng aking ina. Nahirapan akong tustusan ang sarili ko sa kakaunting pera. Pero determinado akong maging masunurin. Nagbayad ako ng ikapu at kinailangan ko ring mamasahe papunta sa seminary at mga miting sa araw ng Linggo. Hindi ko maunawaan kung paano nangyari, pero tuwing katapusan ng buwan, nakikita kong nagkaroon ng sapat na pera para magawa kong lahat iyon.

Alam ko na pinagpala ako dahil sa pagbabayad ng ikapu. Nakatulong sa akin ang pagsunod sa utos na ito para lumakas ang aking patotoo, makapagmisyon, at makita ang mga pagpapalang nakatulong para mapalakas ko ang mga bagong miyembrong nahaharap sa mga pagsubok.