2011
Doktina at mga Tipan 121:41–43
Hunyo 2011


Taludtod sa Taludtod

Doktrina at mga Tipan 121:41–43

Itinuro ni Joseph Smith ang paraan ng Panginoon sa paggamit ng awtoridad ng priesthood.

41 Walang kapangyarihan o impluwensiya na maaari o nararapat na panatilihin sa pamamagitan ng kabanalan ng pagkasaserdote, tanging sa pamamagitan lamang ng paghihikayat, ng mahabang pagtitiis, ng kahinahunan at kaamuan, at ng hindi pakunwaring pag-ibig;

42 Sa pamamagitan ng kabaitan, at dalisay na kaalaman, na siyang lubos na magpapalaki ng kaluluwa nang walang pagkukunwari, at walang pandaraya—

43 Pagsabihan sa tamang pagkakataon nang may kataliman, kapag pinakikilos ng Espiritu Santo; at pagkatapos ay magpakita ng ibayong pagmamahal sa kanya na iyong pinagsabihan, at baka ka niya ituring na kaaway.

Paghihikayat

Paghihikayat—paghimok sa iba na maniwala o gumawa ng isang bagay sa pamamagitan ng pagpapaliwanag o pakikiusap sa kanila.

Mahabang Pagtitiis

Mahabang Pagtitiis —pagtitiyaga.

President Dieter F. Uchtdorf

“Yamang matiyaga ang Panginoon sa atin, magtiyaga tayo sa ating pinaglilingkuran. Unawain na sila man, tulad natin, ay hindi perpekto. Sila, tulad natin, ay nagkakamali. Gusto nila, tulad natin, na maging maganda ang iniisip ng iba tungkol sa kanila.

“Huwag ninyong isusuko ang sinuman kailanman. At kasama riyan ang inyong sarili.”

Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Patuloy na Magtiyaga,” Liahona, Mayo 2010, 58.

Kahinahunan at Kaamuan

Narito ang ilang bagay na itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan tungkol sa kahinahunan at kaamuan:

Hindi Pakunwaring Pag-ibig

Hindi Pakunwari—tunay; hindi huwad o pagpapanggap.

May nagpakita na ba sa inyo ng tunay na pagmamahal kamakailan? Paano ninyo maipapakita ang ganyang uri ng pagmamahal sa iba? Isulat ito sa inyong journal.

Walang Pagkukunwari at Walang Pandaraya

Pagkukunwari—pagpapanggap na ganito o ganoon kayo pero hindi naman.

Pandaraya—nanloloko; nanlilinlang.

Pagsabihan sa Tamang Pagkakataon nang may Kataliman

Pagsabihan—pagalitan o iwasto nang mahinahon; ipakita ang pagtutol.

Sa tamang pagkakataon—kaagad; nang maaga; bago mahuli ang lahat.

Kataliman—malinaw.

Kapag Pinakikilos ng Espiritu Santo

President Henry B. Eyring

“Ang isang inspirado at mapagmahal na pagkagalit ay maaaring maging paanyaya tungo sa pagkakaisa. Ang kabiguang ibigay ito kapag naudyukan ng Espiritu Santo ay hahantong sa alitan.”

Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Maging Isa,” Liahona, Set. 2008, 6.

Si Joseph Smith sa Liberty Jail, ni Greg Olsen