2011
Maiikling Balita sa Buong Mundo
Hunyo 2011


Maiikling Balita sa Buong Mundo

Binigyan ang Prime Minister ng Solomon Islands ng Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo

Ang Simbahan ay nagbigay ng isang kopya ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” (Liahona, at Ensign Nob. 2010, 128) sa prime minister ng Solomon Islands, na si Danny Philip, sa maikling seremonya noong Biyernes, Enero 21, 2011

Nagkita-kita sina Elder Dirk Smibert, Area Seventy, at iba pang mga kinatawan ng Simbahan sa tahanan ng prime minister at binigyan siya ng paghahayag at ng maliit na estatwa ng isang pamilya.

Ibinalita ang Petsa ng Open House ng El Salvador Temple

Inanyayahan ng Unang Panguluhan ng Simbahan ang mga miyembro at ang publiko na libutin ang San Salvador El Salvador Temple sa open house nito na gaganapin mula Biyernes, Hulyo 1, 2011, hanggang Sabado, Hulyo 23, 2011, maliban sa mga araw ng Linggo.

Isang pagdiriwang ng kultura ang idaraos sa Sabado, Agosto 20, 2011, na susundan ng paglalaan ng templo kinabukasan.

Itinulot ng Website na Makapagbahagi ng mga Talento ang mga Miyembro upang Mapatatag ang Simbahan

Ang Helping in the Vineyard ay isang bagong website ng Simbahan na nilikha upang tugunan ang dumaraming bilang ng mga proyektong nangangailangan ng mga boluntaryo kung saan maaaring makatulong ang mga miyembro ng Simbahan. Kabilang sa mga proyekto ang pagsasalin, FamilySearch indexing, potograpiya, pag-tag ng mga video at larawan, at gawaing editoryal at makukuha saanmang lugar na may Internet access.

Umaasa ang mga lumikha sa Vineyard na 10,000 boluntaryo ang magrerehistro sa mga proyektong online sa taong 2011. Ang mga miyembro ay maaaring mag-sign up upang makabahagi sa vineyard.lds.org, sa Ingles lamang sa ngayon.

Binuksan ng Museum ang Bagong Eksibit ng mga Bata

Ang Church History Museum sa Salt Lake City ay nagtanghal ng dalawang bagong eksibit na nagtatampok sa malikhaing kapaligiran sa pag-aaral at gawang-sining ng mga bata.

Ang The Gospel Blesses My Life ay nagtatampok ng gawang-sining ng mga bata mula sa 42 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo na naglalarawan kung paano pinagpapala ng kaalaman sa ebanghelyo ni Jesucristo ang buhay.

Ang A Book of Mormon Fiesta: A Latin American Celebration ay nagtatampok sa mga bahaging interactive na nagdiriwang sa pamana ng taga-Latin America sa Simbahan at naglalahad ng mga kuwento tungkol sa mga miyembrong taga-Latin America.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga eksibit, pumunta sa churchhistorymuseum.org.