Lumikha ng Profile sa Mormon.org
Ang mga miyembro ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo ay makapagbabahagi ng ebanghelyo sa pamamagitan ng paglikha ng profile sa Mormon.org. Ginagamit ng mga bumibisita sa site ang mga profile na ito upang makaalam tungkol sa Simbahan mula mismo sa mga miyembro. Lumikha ng profile at ibahagi ang inyong patotoo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:
-
Bisitahin ang mormon.org/create. Mag-sign in gamit ang inyong LDS account. Kung wala kayong LDS account, mag-register para sa user name at password sa pamamagitan ng pagbibigay ng inyong membership record number at petsa ng kapanganakan. Hanapin ang inyong membership record number sa inyong temple recommend o magtanong sa inyong ward o branch membership clerk.
-
Lagyan ng impormasyon ang sumusunod na mga puwang: “About Me,” “Why I Am a Mormon,” “How I Live My Faith,” “Frequently Asked Questions,” “Personal Stories,” at “Additional Information.”
-
Sa paglikha ng inyong profile, isaisip na hindi mga miyembro ng Simbahan ang kausap ninyo. Iwasang gumamit ng mga salitang maaaring hindi pamilyar sa kanila. Halimbawa, masasabi ninyong, “Nagtuturo ako sa klase ng kababaihan minsan sa isang buwan mula sa mga salita ng mga buhay na propeta,” sa halip na, “Naglilingkod ako bilang guro sa Mga Turo para sa Ating Panahon sa Relief Society.”
-
Ilagay ang inyong retrato, pangalan, at maikling pagpapakilala. Maaari din ninyong i-link ang inyong profile sa inyong blog, Facebook account, o Twitter account, bagaman hindi ito kailangan. Iwasang magsama ng detalyadong personal na impormasyon, tulad ng inyong apelyido o tinitirhang lungsod.
Kapag kumpleto na ang inyong profile, ipadadala ito sa mga moderator para aprubahan. Kapag naaprubahan ang profile, mababasa na ng mga bibisita sa site ang inyong patotoo at kokontakin kayo para sa iba pang impormasyon tungkol sa Simbahan.