2011
Komentaryo
Hunyo 2011


Komentaryo

Lakas-ng-Loob na Maging Mas Matatag

Araw-araw kong pinag-iisipan ang payo na natatanggap ko sa Liahona. Tinutulungan ako nito sa mga desisyon ko sa araw-araw, at dama kong mas tapat kong naipapamuhay ang ebanghelyo. Ang magasin ay nagbigay sa akin ng lakas-ng-loob na maging mas matatag pa.

Ramon Cristopher Hipolito Villaluna, Pilipinas

Lumulutas ng Mahihirap na Problema

Ang mga mensahe sa Liahona ay nagpapalakas sa akin. Kapag kailangan kong gumawa ng tila napakahirap na desisyon, binabasa kong muli ang mga mensahe at nakikita ko ang perpektong solusyon. Sana po palagi ninyong isama ang Mensahe ng Unang Panguluhan at Mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Evelyn Forson, Ghana

Ito ang Katotohanan

Ang Liahona ang gabay sa buhay ko mula nang sumapi ako sa Simbahan 15 taon na ang nakararaan, at nakatatanggap ako ng malakas na impresyon mula sa Espiritu kapag binabasa ko ito. Ito ang aking kanlungan sa oras ng kalungkutan. Kapag binabasa ko ang mga kuwento ng mga Banal sa iba’t ibang dako ng mundo at ang mga salita ng mga General Authority nakadarama ako ng kapanatagan, kapayapaan, at patunay na ito ang katotohanan.

Felipe Urbina, Costa Rica