Liham ng Unang Panguluhan, Hunyo 2011
Hunyo 1, 2011
Mahal naming mga kapatid:
Sa taong ito ang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng programang pangkapakanan [welfare program] ng Simbahan. Ang kasunod na mga pahina ay maglalahad sa inyo ng kaunting bahagi ng kasaysayan kung paano nabuo ang programa. Ipababatid din nito sa inyo ang gawaing pangkapakanan ng Simbahan sa buong mundo at ipakikita ang mga alituntunin ng gawaing pangkapakanan na isinasagawa ng mga miyembro ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang anibersaryong ito ay nagsisilbi ring paanyaya at paalala sa ating lahat na matustusan pa ang sarili nating pangangailangan at tularan ang Tagapagligtas sa pagtulong sa mga tao na tulungan ang kanilang sarili.
Inaanyayahan namin kayo at ang inyong pamilya na may panalanging pag-isipan at kumilos ayon sa mga alituntunin ng gawaing pangkapakanan at pagtustos sa sariling pangangailangan habang nirerepaso ninyo ang espesyal na bahaging ito.
Tapat na sumasainyo,
Ang Unang Panguluhan