2011
Germany
Hunyo 2011


Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Dako ng Mundo

Germany

Bagama’t ang gawaing misyonero ay nagsimula sa Germany noong 1840s, noon lamang 1851 masasabing dalawang tao roon ang unang nabinyagan. Sa taon ding iyon, si Pangulong John Taylor, na noon ay nasa Korum ng Labindalawang Apostol, ay nagpunta sa Hamburg upang tumulong sa pangangasiwa ng pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa wikang German. Isang branch ang naorganisa sa Hamburg noong 1852, ngunit karamihan sa mga unang nabinyagan ay nandayuhan sa Utah dahil sa pag-uusig. Kabilang dito si Karl G. Maeser, na kalaunan ay naging pangulo ng Brigham Young Academy sa Provo, Utah.

Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, dumami ang mga nabinyagan sa Simbahan sa Germany, lalo na mula 1921 hanggang 1925. Ang German Mission ay nahati sa German-Austrian Mission at Swiss-German Mission. Ang East German Mission ay nilikha noong 1937. Inalis ang mga misyonero sa Germany noong World War II. Nang bumalik sila noong 1947, nahati na ang bansa sa East Germany at West Germany. Gayunman, nagpatuloy ang gawaing misyonero, at noong Hunyo 19, 1985, ang Freiberg Germany Temple ay inilaan sa East Germany—ang unang templo sa isang bansang komunista. Isa pang templo ang inilaan makalipas ang dalawang taon, sa Frankfurt, West Germany. Ang bansa ay pinag-isa noong 1990.

Ang Simbahan sa Germany

Mga Miyembro

38,204

Mga Mission

3

Mga Stake

14

Mga Ward at Branch

173

Mga Templo

2

Itaas: Tanawin sa Munich, Germany. Ibaba: Ang Frankfurt Germany Temple, inilaan noong 1987.

Ang Freiberg Germany Temple, inilaan noong 1985.

Si Karl G. Maeser ay nandayuhan sa Utah mula sa Germany na kanyang bansang sinilangan, dumating siya noong 1860.

Larawang kuha ng Munich © Getty Images; mapa ng Mountain High Maps © 1993 Digital Wisdom, Inc.

Germany

Freiberg

Frankfurt

Berlin