2011
Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako
Hunyo 2011


Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako

Nahikayat ng Pananampalataya at Pamilya ang mga Taga New Caledonia na Pumunta sa Templo

Noong Enero, 147 miyembro ng Simbahan mula sa New Caledonia ang nag-ukol ng isang buwan sa Hamilton, New Zealand, upang pumunta sa templo roon.

Para sa marami ito ang unang pagkakataon na nakapasok sila sa templo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Para sa iba ito ay taunang ginagawa.

“Wala kaming templo sa New Caledonia, at karamihan sa mga miyembro ay mula sa mahihirap na pamilya,” sabi ni Georgie Guidi, kasama sa grupo. “Ang mga magulang ay nagtatrabaho nang buong taon para makaipon ng pera sa pagpunta sa templo.” Ang templo ay mahigit 1,000 milya (1,600 km) ang layo mula sa mga tahanan ng mga miyembrong ito.

Sinabi niya na kaya sila handang magpunta sa New Zealand ay dahil ang naranasan nila sa loob ng templo ay nagpalakas sa pananampalataya nila kay Jesucristo at nagbuklod sa kanilang mga pamilya.

Idinagdag ni Gerard Mou-Tham, district president sa New Caledonia, na “ang pagpunta sa templo ay isang pagkakataon para sa marami na palakasin ang kanilang pananampalataya at mas mapalapit sa Diyos.”