2018
Mga Council Meeting sa Unang Linggo
May 2018


Mga Council Meeting sa Unang Linggo

Sa unang Linggo ng bawat buwan, hindi magtuturo ng lesson ang isang titser sa mga miting ng elders quorum at Relief Society. Sa halip, pamumunuan ng mga panguluhan ng elders quorum at Relief Society ang mga council meeting. Sa mga council meeting na ito sa unang Linggo, ang mga elders quorum at Relief Society ay sama-samang nagsasanggunian tungkol sa mga lokal na responsibilidad, oportunidad, at hamon; natututo sa mga ideya at karanasan ng isa’t isa; at nagpaplano ng mga paraan upang sundin ang mga pahiwatig na natanggap mula sa Espiritu. Ang mga talakayang ito ay dapat na nauugnay sa mga banal na kasulatan at mga turo ng mga buhay na propeta.

Hindi lahat ng council meeting ay pare-pareho. Narito ang ilang tuntuning makatutulong sa mga panguluhan sa pamumuno para sa isang matagumpay na pagpupulong.

Bago mag-council meeting

Gawin:

  • Tukuyin ang mga lokal na pangangailangan, oportunidad, at hamon.

  • Mapanalanging piliin ang paksang pag-uusapan.

  • Anyayahan ang mga miyembro ng korum o mga sister ng Relief Society na maghandang magbahagi ng mga nasa isip nila at karanasan.

Hindi Dapat Gawin:

  • Maghanda ng lesson.

  • Dumalo nang may partikular na solusyon o planadong aksiyon sa isipan.

Sa oras ng council meeting

Gawin:

  • Anyayahan ang mga miyembrong magbahagi ng mga karanasan nila sa pagsunod sa mga pahiwatig at plano mula sa nakaraang mga miting.

  • Pasimulan ang paksa ng pulong at himukin ang mga miyembro na magsanggunian tungkol dito, naghahanap ng solusyon at patnubay mula sa mga banal na kasulatan, sa mga salita ng mga propeta, at sa Espiritu Santo.

  • Planuhin ang aksiyong gagawin sa mga bagay na tinalakay. Maaaring kinapapalooban ito ng mga plano ng grupo o plano ng bawat indibidwal na sila mismo ang gumawa.

Hindi Dapat Gawin:

  • Mangibabaw sa usapan.

  • Subukang kumbinsihin ang iba sa iyong mga ideya.

  • Talakayin ang mga isyung sensitibo o kumpidensyal.

  • Magturo ng lesson.

  • Pilitin ang sinuman na makibahagi.

Pagkatapos ng council meeting

Gawin:

  • Mag-follow up sa mga plano at asignaturang ginawa sa council meeting.

  • Humanap ng mga paraan upang maisama ang mga hindi nakadalo sa miting dahil sa mga tungkulin o iba pang kadahilanan. Ipaalam sa kanila ang tungkol sa mga planong ginawa.

  • Bigyan ng pagkakataong makapagbahagi ng mga karanasan ang mga miyembro sa mga miting na gaganapin sa hinaharap.

Mga Paksa Para sa mga Council Meeting sa Unang Linggo

Maaaring manggaling ang mga ideya sa mga paksang tatalakayin sa council meeting sa mga presidency meeting, ward council meeting, ang plano ng area, mga impresyong natanggap ng mga lider habang naglilingkod sila sa mga miyembro, at mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo. Ang mga paksa sa ibaba ay mga mungkahi lamang. Maaaring alam ng mga lider ang iba pang mga pangangailangan na nadarama nilang dapat talakayin.

  • Ano ang magagawa natin para mapaglingkuran ang mga nasa paligid natin? (tingnan sa Mosias 23:18).

  • Paano natin aayusin kung ano ang uunahin sa iba’t iba nating mga responsibilidad?

  • Paano natin ibabahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan at kapitbahay? (tingnan sa Alma 17).

  • Paano natin mapoprotektahan ang ating sarili at ating pamilya mula sa di-angkop na media at pornograpiya?

  • Ano ang gagawin natin para turuan at palakasin ang ating mga anak at ang mga kabataan sa ating ward?

  • Paano tayo higit na makikibahagi sa gawain sa family history at pagsamba sa templo?

  • Paano natin makakamtan ang tulong ng Panginoon kapag naghahanap tayo ng mga sagot sa ating mga katanungan at naghahangad na mas malalim na maunawaan ang ebanghelyo?

  • Paano natin mapalalakas ang ating patotoo tungkol sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo at matutulungan ang ating pamilya na maging espirituwal na self-reliant?