Elder Kyle S. McKay
General Authority Seventy
Bukod sa kanyang pamilya at sa Simbahan, ang pinakapaboritong bagay ni Elder Kyle S. McKay ay mangabayo sa kabundukan.
“Hindi ko ito relihiyon,” sabi niya, “ngunit walang alinlangang pinalalakas nito ang aking [pananampalataya]. Pinaghahalinhinan ko ang mga kabundukan ng Panginoon at ang bundok ng bahay ng Panginoon. Nadarama ko Siya sa parehong lugar.”
Inihalintulad ni Elder McKay ang kabundukan sa Huntsville, Utah, USA, sa mga tubig at kagubatan ng Mormon at ang kahalagahan ng mga ito para sa mga tao ni Alma—sa mga lugar na ito niya nalaman, noong bata pa siya, ang tungkol sa kanyang Manunubos.
Si Elder McKay ay isinilang noong Pebrero 14, 1960, sa Chicago, Illinois, USA, kina Barrie Gunn McKay at Elaine Stirland McKay, na pinasasalamatan niya na humubog sa pagkataong taglay niya ngayon.
Huminto muna siya sa kanyang pag-aaral sa Brigham Young University noong 1979 upang magmisyon nang full-time sa Kobe, Japan. Hindi nagtagal matapos makabalik mula sa misyon nag-aral siya para tapusin ang kanyang degree sa English, nakilala ni Elder McKay si Jennifer Stone, na kauuwi lang mula sa England Bristol Mission. Nag-aaral din ito ng English. Ikinasal ang dalawa sa Oakland California Temple noong Hunyo 12, 1984.
Dahil napakahalaga sa buhay niya ang pamilya, sinabi ni Elder McKay na ang labis na nagpapasaya sa kanila ni Sister McKay ay ang kanilang angkan. Habang namamalagi ang mga McKays sa Kaysville, Utah, USA, palagi silang nag-uukol ng panahon sa kanilang siyam na anak sa Huntsville, kung saan nanirahan ang kanyang mga ninuno noon pang 1860s.
Si Elder McKay ay nagtapos ng juris doctor degree noong 1987 mula sa J. Reuben Clark School of Law sa BYU at kaagad tumanggap ng trabaho sa malaking regional law firm sa Portland, Oregon, USA. Kalaunan ay bumalik siya sa Utah para maghanap ng oportunidad sa ibang law firm bago tinanggap ang isang posisyon sa Kroger Company. Nagtrabaho siya bilang vice president para sa Smith’s at Fry’s, dalawang dibisyon ng Kroger sa Utah at Arizona, USA, mula 2000 hanggang 2017.
Si Elder McKay ay naglingkod noon bilang bishop, high councilor, stake president, at Area Seventy.