2018
Ministering
May 2018


Ministering

Tayo ay magpapatupad ng isang mas bago at mas banal na pamamaraan sa pangangalaga at paglilingkod sa iba.

Salamat sa inyo Elder Gong at Elder Soares sa inyong taos-pusong pagpapakita ng pananampalataya. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyo at sa inyong mga asawa.

Mahal kong mga kapatid, lagi naming hinahangad ang patnubay ng Panginoon kung paano natin matutulungan ang ating mga miyembro na sundin ang mga utos ng Diyos, lalo na ang dalawang dakilang utos na mahalin ang Diyos at ang ating kapwa.1

Sa loob ng maraming buwan, kami ay naghanap ng mas mainam na paraan upang tugunan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan ng ating mga miyembro sa paraan ng Tagapagligtas.

Ginawa namin ang desisyong huwag nang ipagpatuloy ang “home teaching” at “visiting teaching” gaya ng pagkakaalam natin sa kanila. Sa halip, tayo ay magpapatupad ng isang mas bago at mas banal na pamamaraan sa pangangalaga at paglilingkod sa iba. Tatawagin natin ang mga pagsisikap na ito bilang “ministering.”

Ang epektibong ministering ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng likas na kaloob ng kababaihan at ng walang kapantay na kapangyarihan ng priesthood. Kailangan nating lahat ang proteksyon laban sa tusong panlilinlang ng kaaway.

Ipaliliwanag nina Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ni Sister Jean B. Bingham, General President ng Relief Society, kung paano maglilingkod at magbabantay ngayon ang mga itinalagang kalalakihan ng priesthood at kababaihan ng Relief Society at Young Women sa mga miyembro ng Simbahan sa buong mundo.

Ang Unang Panguluhan at ang Labindalawa ay nagkakaisa sa pagtitibay sa kanilang mga mensahe. Nang may pasasalamat at mapanalanging puso, bubuksan natin ang bagong kabanatang ito sa kasaysayan ng Simbahan. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.