Family History: Pagtuklas, Pagtipon, Pagkonekta
Ang mga temple at family history consultant ay makatutulong sa mga miyembro ng Simbahan at sa iba na madama ang kagalakang nagmumula sa pagtuklas, pagtipon, at pagkonekta sa mga ninuno, ayon kay Elder Bradley D. Foster, General Authority Seventy at Executive Director ng Family History Department ng Simbahan.
Lahat ay may kuwento mula sa kasaysayan ng kanilang pamilya. At magagandang bagay ang maaaring mangyari kapag sinimulan na ninyo ang pagsasaliksik at paghahanap sa mga ito.
“Ang ating bibigyang-diin sa darating na taon ay tulungan ang mga consultant na malaman ang kanilang tungkulin sa pagtulong sa mga miyembro na magkaroon ng karanasang ito,” sabi ni Elder Foster. “Ginagawa namin iyan nang isa-isa. Pinupuntahan namin [ang mga tao] saanman sila naroon, na ang mas partikular na pinagtutuunan ay ang mga batang malapit nang mag-12 anyos at ang mga bagong miyembro.” Ang dalawang grupong ito ay kaagad na mapagpapala kapag nakita nila kung paano pinalalakas ng gawain sa templo ang mga pamilya sa kawalang-hanggan, at karaniwan na sila ang mas malakas makahikayat sa kanilang mga kaibigan at pamilya.
Kahit hindi miyembro ng Simbahan ay magagawa ang pagtuklas-pagtipon-pagkonekta kapag isa-isa silang tinulungan sa kahit saan man sa mahigit 5,000 FamilySearch family history center sa iba’t ibang panig ng mundo.